The rest of the chapter until the end is Fiona's POV. Bibigyan ko nalang siguro ng chance si Zack para magkaroon ng POV hahaha kawawa naman.
Teka babies, nalate ako kanina sa school (as always) pagdating ko sa room, nakita ko na naman siya, yung daddy niyo babies. Huhuhu nagpa skinhead siya pero Gosh! Pogi as ever hahahaha sana pannsinin niya ulit ako. Huhuhu pray for me babies hahaha mwamwa. Labyuuuuu.
***
"Miss Agustine. You're late again. Gusto mo bang patawagin ko na naman ang ng magulang mo para mapag-usapan ito? I gave you more chances pero binigo mo parin ako." sermon ni Sir Vivas. Hihihi late naman kasi ako palagi. As in, sunod-sunod na raw. 1 hour akong late o di kaya half day nalang ako papasok sa school. Ganiyan ako kalala. Sabi nga ni mom noong mga panahong nandito pa sila sa pinas at pinapatawag ng Adviser dahil sa pagiging late ko, manang-mana raw ako kay Aunt Mira. Ang tigas daw ng ulo non. Kahit i-confiscate lahat ng gadgets, liitan ang allowance, grounded for almost a month, hindi parin natitinag. Naging teacher din kasi niya itong si Sir at dito rin nag-aral sila Aunt Mira and Aunt Nicole. Si mommy naman sa ibang bansa.
Aunt Mira don't have friends. She's fine with it. Mas gusto niyang kasama ako at si ZJ kesa sa kaibigan, well wala naman siya non. Pero hindi pa namin naranasan ni Auntie na mag-shopping sa mall, kumain sa restaurant at mamasyal. Kung mamamasyal naman kami eh out of town. Ewan ko ba doon. Sobrang misteryoso ni Auntie. Wala nga akong nababalitaan na may nakakadate si Auntie. Bukod sa business, may ibang inaatupag si Auntie na mismo sina mom at mamo, hindi alam.
Kapag lumalabas naman siya ng bahay, naka mask siya ng itim na mata lang ang nakikita, naka leather black jacket at naka cap na black. Kung si Hana eh baliw sa blue, siya naman sa black.
Nasabi ko na bang-? Ay wala pa pala hahahahaha. Siya ang dahilan kung bakit nabaliw si Hana sa instruments na asul ang kulay.
At si Aunt Mira din ang nag-impluwensya kay Johana sa sports, mahilig sa sports si Auntie kaya noong 2nd year high school pa kami eh sinasama niya kami, naka mask nga lang. Sa aming magkakaibigan, si Johana lang ang nagkainterisado sa sports, minsan nga mag a-adventure silang dalawa lang. Inaaya nila ako pero hindi talaga ako sumasama, madali akong mapagod. In short, TAMAD!
Ang alam ko, black belter si tita sa Taekwondo, karate, judo at iba pa. May mucles at abs nga si Auntie eh. Pero hindi halata sa mukha niya na marunong siya non. Ang inosente kasi ng mukha niya at maamo. Mukha siyang madaling malinlang pero ang totoo, hindi mo alam na ikaw na pala ang nalilinlang hahahaha.
Sabi ni mommy, mas mukhang anak pa ako ni Auntie kesa sa kaniya. Yung tipong ang tigas ng ulo. Hahaha kaya nga ako ang pinakapaborito ni Auntie. Madldal si Auntie katulad ko. Mas malala nga lang siya.
Balita ko nga na ang tahimik daw ni Auntie noong dito pa siya nag-aaral. May naka-away daw siyang sikat na lalaki pero tiklop daw noong pinatulan niya. Marami rawng nagalit na fans nung lalaki pero tulad ng iniidolo nila, eh tiklop rin. Hahaha iyan ang Auntie ko!
"MISS AGUSTINE! I'M TALKING TO YOU! MAY GANA KA PANG NGUMITI! GO TO MY OFFICE! NOW!" Ay putakte! Sinigawan ba naman ako sa mismong tenga ko? Tangina HINDI AKO BINGI! Pero isa yan sa namana ko kay Auntie, WALANG PAKE HAHAHAHAHA.
***
"Miss Agustine. I called your Mom pero yung kapatid niya ang pupunta dito. I think, Miriana? Mira-? Oh! Miranda Gregori. I remember it! Ang tigas din ng ulo non. Palagi siyang late, natutulog sa klase ko at hindi nagpaparticipate. Palagi pang naka cap. Marami ngang guro na under ng Tita mo eh nagrereklamo bla bla bla" Ang totoo, magkwekwentuhan lang ba kami dito?
Nahinto lang siya sa pagsto-story telling nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa dito ang pinakamagandang babae na naka shades, blackcap, leather black jacket, gray sando, black fitted plants, black boots, and black matte lipstick. Wow! Ang ganda talaga ng Auntie ko. Bata pa si Auntie. 25 years old at kabirthday ko hihihi.
YOU ARE READING
The End
General FictionFirst day of school ang pinakainaabangan ng lahat, lalo na si Fiona Zeraphina Agustine. At lalong-lalo na, na nasa huling taon na siya sa sekondarya. Tranferee si Zack Dylan at ang kapatid niyang si Ethan Daniel Morales Alegre. Kilala ang mga Morale...