5

9 2 0
                                    


Fiona Zeraphina's Pov

Pinaningkitan ko siya ng mata at ngumisi ng nakakaloko. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa upuan kong katabi lng ng bintana na nasa pinakalikod ng room.

Nilagay ko ang bag ko sa likod ko at nakinig na kay Sir Vivas na ang landi kung magsalita.

Actually, hindi naman talaga ako nakikinig, dumedepende na nga lang ako dito sa katabi ko. Genius eh.

Nagpahalumbaba ako at nagsalita ng palihim, Lagot ako kay Vivas nito kapag nakita niya akong nagsasalita. Palagi pa naman akong pagalitan non. "Ikaw ha, napapansin ko nang palagi kang nakaupo sa tabi ko. Crush mo ba ako?" ginalaw ko ang mata ko para makita siya. Sumulyap siya sa akin konti at parang naiilang. Ang cute ni—ko, Ang cute cute ko naman.

Bumuntong hininga siya at nagpahalumbaba sa armchair niya gaya ko. "Hindi ka naman maganda, wala pang make up. Tingnan mo nga iyang buhok mo, it's so messy. Parang pwede nang tumira ang ibon diyan" Ay wow lang po.

Timing naman na tumalikod si Sir kaya sinuntok ko siya sa braso na ikinangiwi niya. "Aray naman! Hindi ka na nga maganda, sadista ka pa" hinimas-himas naman niya ang brasong nasaktan.

Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko nalang ang cellphone at earphone ko. Inilagay ko ng pasimple ang earphone sa tenga ko at tinago sa pamamagitan ng buhok ko. Pin-lay ko agad ang kanta ng Paramore.

Hindi na ako nakinig. Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa armchair at natulog.

***

"Ano baaaaa? Natutulog ako iiiiiih!" padabog akong umupo ng maayos at kinamot ang buhok ko. Naknang!

"Hoy! Recess na. Binilhan na nga lang kita ng pizza roll na gusto mo. Oh!" May inabot si Zack sa akin na isang paper bag.

Taka ko siyang tinignan bago kinuha ang paper bag. Tinignan ko ang laman non at halos lumuwa na ang mata ko sa nakikita ko. PIZZA ROLL!

Pero bago pa tumulo ang laway ko. Tiningnan ko siya ng masama. Itinaas ko ang paper bag at winagayway iyon. "Ano to? Peace offering dahil nilait mo ang kagandahan ko?" tinanggal ko na ang earphone ko sa tenga at nilagay sa bulsa ng palda ko.

"Sort of, kainin mo na. Dalawang oras ka nang natutulog" kinain ko nalang ang binigay niya sa aking pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom geez.

"Ack... Tu—fig! Tufig!!!" buwisit! Nabilaokan tuloy ako!

"tss" May inabot siya sa aking pineapple juice. Teka, boy scout ba ito?

"tinks" ganiyan ako mag thank you hihihi.

"Hoy Ina!" tumingin ako sa bintana, nandoon si Johana at Hana. Hindi kasi ako lumabas kaya sila na ang pumunta.

Tatayo na sana ako nang kalabitin ako ni Zack "Pahiram ng phone mo" inirapan ko muna siya bago kinuha ang phone ko sa bulsa at inabot sa kaniya. Nakita ko siyang ngumiwi habang nakatingin sa cellphone, siguro dahil sa lockscreen ko na picture ni Jungkook. Alam naman niya ang password ko.

Lumabas na ako habang hawak-hawak parin ang paper bag sa kaliwang kamay ko na naglalaman ng kaligayahan ko.

"Oh bakit?"

"Ano iyan?" turo ni Johana sa hawak kong paper bag at hindi pinansin ang tanong ko.

"Napkin ko. Gusto mo?" inilahad ko sa kaniya ang paper bag "May dugo pa iyan" ngumiwi naman silang dalawa sa sinabi ko kaya nakatikim ako ng batok galing sa kanilang dalawa.

The EndWhere stories live. Discover now