9

8 2 9
                                    


"Ouch" napahawak ako sa ulo ko nang bahagya ko itong ginalaw ay may kumirot. Hang over yata.

Napatingin ako sa paligid, kwarto ko to ah. Paano ako napunta rito? Baka hinatid ako ni Auntie.

Tatayo na sana ako ng mapahinto ako. Wait, diba motor ang dala ni Auntie? Bakit ang natatandaan ko eh pinasok niya ako sa isang sasakyan at sinabi na ingatan daw ako. See? I can remember kahit lasing ako. Lasing nga ba ako? O naglalasing lasingan?

Bubuksan ko na sana ang pinto para pumunta sa kusina nang may bumukas na nito at nakita ko ang lalaking topless na may konting abs, maputi, matangkad at medyo payat.

"What the—ZACK!? The, the Fudge? WHAT ARE YOU DOING HERE? I mean, what the fuck? BA'T KA NAKA PASOK? M-may nangyari ba?" gash! Naghehesterical na ako rito. Suot ko pa naman ang unigorm ko. Sinasabunotan ko na ang buhok ko at palakad lakad sa harapan niya. Kinakagat ko na rin ang koko ko.

Narinig kong tumawa siya konti habang pailing-iling. Marahas akong humarap sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "WHAT!?"

"Look, your tita called me na lasing ka raw. Hindi ka naman niya madadala rito ng matiwasay kasi motor lang ang dala niya. Buti nalang tapos na ang klase. Teka, bakit ka ba naglasing?" napasimangot nalang ako sa tanong niya. Kung alam niya lang.

Tinulak ko ng bahagya ang kaliwang balikat niya ng isang kamay ko para makadaan ako. Dumeretso ako sa kusina para uminom ng malamig na malamig na tubig. Nakita ko siyang umupo sa isang stool ng mini bar, nilagay niya ang dalawa niyang braso sa table at pinagsalikop ang mga palad. Nakita ko pang tinitigan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay habang umiinom parin.

"Bakit ka nakapasok dito? May password dito kaya hindi ka basta basta makakapasok" Agad na sabi ko pagkababa ko ng baso at nilagay sa lababo.

"You're not answering my damn question Fiona, bakit ka naglasing?" inirapan ko lang siya at umupo na rin sa harapan niyang stool. Tulad ng ginawa niya, nilagay ko rin ang dalawang braso ko sa ibabaw ng lamesa at pinagsalikop ang dalawang palad.

"Uuhhmm" kunwari akong nag-isip, tumingin pa ako sa kisama at nilagay ang dalawang daliri ko sa baba ko. "Dahil sa, wrong send?" patanong kong sabi. Kumunot naman ang noo niya at halos magsalubong na ang mga kilay.

"Pinagloloko mo ba ako, Ina? Anong wrong send? Sinong nag wrong send?" Gusto ko na talagang isampal sa kaniya ang 'HOY MANHID! IKAW YON! MAY PA WRONG SEND WRONG SEND KAPANG NALALAMAN!' kaso, wag na. Pagod ako.

Kibit balikat lang ang sinagot ko kaya Pinaningkitan niya ako ng mata. "You, you're not answering my damn question, paano ka—I mean, paano tayo nakapasok dito? Walang nakakaalam kung ano ang password ko dito" Kibit balikat lang rin ang sagot niya. Aba?!

Hahampasin ko na sana siya nang "Okay, okay. Narinig ko lang sa tita mo noong nagsurprise kami sayo" ahh okay. Tumango tango nalang ako.

Anyway, sasabihin ko nalang sa inyo ang password ko.....










































Iamthegoddess

***

"arAAAAAAAAAAAY! JOHANA NAMAN! HANA! HUWAG ANG MAGANDA KONG PWET!" ANG SAMA SAMA NILAAAA! HUHUHUHU

Kasalukuyan akong binubugbog ng mga kaibigan kong mga brutal.

Kirot sa fats, pinapalo ang pwet, kinakagat ang balikat, sinasabunotan, tinutulak, pinaghahampas sa braso. Ilan lang yan sa ginawa nila sa akin huhuhu.

The EndWhere stories live. Discover now