I - THE LIE

1.2K 31 2
                                    

All my life, since I first saw him in that playground, all I ever wanted was to see him again. I was crying when he handed me the handkerchief. I can’t even forget the words he spoke to me. “Don’t cry.” he said while smiling. He even patted my shoulder! I can’t utter a single word that day that’s why I never got the chance to thank him or even ask what his name was. All I did was to cry like a baby in front of him. And that was eight years ago, when I was just nine years old. Since that day, I think, I fell in love with that boy.

 

“Bakit mo ‘yan binabasa?!” pagalit kong tanong nang makita kong hawak ni Yen ang maliit na notebook na sinusulatan ko ng kung anu-ano.

 

“Totoo ba ‘to Sasa?” Ang tagal kong pinag-isipang isulat yung mga salitang yun ha. Nagmala-storyteller ako, at nagdaydream ng ilang oras. Sinadya ko ring ilagay lang yun sa may study table ko para mabasa niya. Ang genius ko ‘no?

 

“Malamang. Ano na naman ba kasing ginagawa mo dito?”

 

Tumawa lang siya tapos lumapit sa’kin. Mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

 

“May ipapakilala ako sa’yo!” Boom! Yun din yung iniisip ko.

 

“Pwede ba Yen! Tantanan mo na nga ako! Ang bata-bata ko pa para magkaboyfriend!”

 

“Magkaedad lang naman tayo ha!”

 

 

“Iba ka, iba ako. Ayoko pa nga sa mga ganyang relasyon.”

 

“Experience lang naman. Tsaka, isang date lang naman!”

 

Nauto na rin niya ako isang beses at ayoko na ring ulitin pa ang karanasan kong yun. Ayokong magsasasama sa mga lalaking kakakilala ko pa lang. Yuck. Yung lalaking pinakilala niya sa’kin, kala mo kung sino. Feelingero, hindi naman nga gwapo! Ako pa yung nagbayad sa pop corn na kinain namin sa sinehan. Nakakainis yung lalaking yun. Parang napulot lang yun ni Yen sa kung saan. Kahit kelan talaga, hindi marunong pumili ng lalaki si Yen. Kaya ayan, pabago-bago ng boyfriend kasi kesho di pala siya mahal, kesho may ibang babae, naku! Halata namang mga manloloko yung mga yun.

 

“Ayoko na nga!”

 

“Bakit? Kasi, in love ka sa lalaking to?” inilahad niya ang notebook ko na mukhang diary.

 

“Oo!” sabi ko nalang. Hindi talaga ako marunong magsinungaling.

 

“Maniwala ako sa’yo.” deadma lang siya sa sinulat ko! Sabi na e. Hindi ‘to kakagat. Gaga ka kasi Cassandra. Gagawa-gawa ng plano, hindi naman kapani-paniwala. Sayang yung pagb-brainstorm ko! Tsaka, paki niya ba kung may mahal na akong iba? Wala naman siyang nakikitang lalaki. Tss.

 

‘Di bale, mag-iisip ulit ako ng paraan.  

Childhood Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon