Lumipas ang ilang araw, ilang linggo, at ilang buwan. Naging mas close pa kami ni Deon. Tinotoo nga niya ang sinabi niya. Ako lang ang kinaibigan niya. May mga pinapansin din siya, pero hindi siya nakikipag hang-out sa kanila. Ewan ko ba diyan. Masyadong loyal kila Seff. Medyo close ko na rin ang barkadahan nila. Kaso, pagminsan ko lang sila nakikita. Medyo busy na e. Gagraduate na kami!
Si Lilibeth naman, ayun, may bagong boyfriend na. Naggive up na rin kay Deon after two months nang pag-iignore ni Deon sa kanya. Si Yen naman? May bago nang kinukulit na samahan siya sa mga date niya. Dumating kasi ang kaedad niyang pinsan niya sa bahay nila. Sa kanila na raw titira. Buti naman!
“Sa’n ka ba mag-aaral?” tanong ko kay Deon.
“Sa paaralan.”
Sinabunutan ko nga. Free na akong sabunutan siya. Close na kami e.
“Aray ko. Nagiging hobby mo na yan ah.” sabi niya.
Kami ni Deon? Ayun. Close na close na! Best friend daw niya ako. Tss. Yung iba nga, iniisip na kami na raw. Hindi nalang namin pinapansin.
“Sa’n nga kasi?” pangungulit ko.
“Hindi ko alam.” seryoso niyang sagot.
Pinabayaan ko nalang siya. Ayaw niyang sabihin e.
“Malapit na yung Prom ‘di ba?” pag-iiba niya ng topic. Alam niya kasing naeexcite ako kapag Prom ang pinag-uusapan. Hindi kasi ako nag-attend last year. Nagkasakit kasi ako. Malas ‘di ba?
“O ano naman?” Kunwari, wala akong paki.
Ngumiti naman siya ng napakacharming. Fudge. Halos matunaw na ako.
“Will you be my partner for the cotillion?” sabi niya sabay abot ng isang bracelet na silver.
Nagulat ako sa tanong niya. Pero mas nagulat ako sa bracelet na inaabot niya sa’kin.
“Anong ibig sabihin nito? Ba’t mo ako binibigyan ng bracelet?”
“For.. our friendship. To thank you for everything. And, instead of a rose, I think it’s more practical to give you a thing you can keep forever. So?”
I’m still shocked!
“May ganung drama talaga?” pang-aasar ko, pampaalis ng kabang nararamdaman ko. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko.
Naghihintay lang siya ng sagot ko.
“Kawawa ka naman kung wala kang kapartner sa cotillion. Ako lang friend mo dito di ba? Hindi naman kita iiwan sa ere. Kaya, yes.” sabi ko habang natatawa.
Tumawa rin siya. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Niyakap niya ako. Mas lalong tumibok ang puso ko.
Naging magkapartner kami sa cotillion. Ang saya-saya naming dalawa. Kami rin ang hinirang bilang Prom King and Queen! Akala ko nga siya lang e.
Nag-exam din kami pareho sa iba’t-ibang university, at lahat ng yun napasahan namin. Proud na proud nga kami sa isa’t-isa. Kaso, di pa rin niya sinasabi kung saan niya balak magcollege. Palaging, “hindi ko alam” ang sagot niya. Pero alam kong may plano na siya kung saan. Pa surprise effect pa!
At dumating ang araw na pinakahihintay namin. Ang saya-saya ko. Excited na excited akong isuot simula pa kagabi ang toga ko. Pagkarating na pagkarating namin sa paaralan, si Deon agad ang hinanap ko. Gusto kong magpapicture kasama siya nang nakatoga kami pareho. Hindi naman ako nabigo sa paghahanap sa kanya.
“Gwapo natin ah.” puri ko sa kanya. E kelan ba siya pumangit?
“Ganda natin ah.” balik niya naman sa’kin. Ngumiti lang ako sa kanya.
Ang saya-saya ng araw ko ngayon. Nang matapos ang seremonya, nilapitan niya naman agad ako. Ngiting-ngiti ako sa kanya, pero nakita ko ang pagkatamlay ng mukha niya.
“May problema? Iiyak ka ‘no? Ang bakla mo! Magkikita pa naman tayo. Uy! Sabihin mo na kasi kung sa’n ka magka-college oh! Grabe na ‘yang pasuspense mo ah!”
At bigla siyang natahimik.
Niyakap niya ako. Do’n ako kinabahan. May mali ba?
“Sa Europe. Sa Europe na ako mag-aaral. Magma-migrate ang pamilya ko sa London.” sabi niya habang nakayakap sa’kin.
Ramdam ko ang kaba niya dahil nakasubsob ang ulo ko sa dibdib niya.
Hindi ako makagalaw. Para akong nanghina.
“Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo. Wala kasi akong lakas ng loob na sabihin sa’yo. Ayoko ring isipin mo na magkakalayo tayo. Sorry.”
Tinulak ko siya. “E unfair ka pala e. Sana pinaalam mo sa’kin para hindi kita masyadong inaway. Para nakapaghanda manlang ako nang mas matagal! Sira ulo ka pala. Kelan ka aalis?” naluluha kong sabi.
“Next week na ako aalis.” malungkot niyang sabi.
“Walanghiya ka talaga!” Nakailang tulak na ako sa kanya, pero pinapabayaan niya lang ako. Gusto kong sabihin niyang joke lang ‘tong lahat.
Hinila niya ako at niyakap ulit. “Sorry.”
Wala na akong nagawa pa. Niyakap ko na rin siya. “Galit ako sa’yo.”
Umiyak lang ako habang yakap niya. Mahal kita, gustong sabihin ‘yan sa kanya. Pero, para ano pa? Aalis na rin naman siya. Do’n na siya titira sa ibang bansa.