Friday na!!! Patay na talaga ako neto. Last day na ngayon. Ano pa nga bang magagawa ko kundi makipagdate! Tae yan.
Pumasok na ako sa classroom namin. Medyo maaga pa kaya nagpatugtog ulit ako. Ayoko mag-aral. Nag-aral na ako kagabi.
Pansin ko lang, simula nung Tuesday, palaging nakatingin sa’kin yung si Deon. Hindi naman sa feelingera ako pero, may something talaga e. Haay naku! Bahala siya. Kung nagagandahan siya sa’kin, e di sana lapitan niya ako. Pero joke lang yun. Kapal ko e ‘no?
Makikipag-agawan pa ba ako sa 28 kong kaklaseng babae? E halata naman na halos lahat sila may gusto kay Deon. Pero ang malala, sa 28 na yun, kasama si Lilibeth. Si Lilibeth ang tipo ng babae na kapag naging crush niya ay maghintay ka lang ng isang linggo at boyfriend na niya ang noo’y crush niya lang. Ganun siya katindi.
Nang mag-uwian na, tinaguan ko si Yen. Alam kong kukulitin na naman ako nun.
Nang makalabas na ako ng iskwelahan, agad akong naghintay ng tricycle na masasakyan. Kaso halos lahat may sakay na. Yung iba namang tricycle driver ang aarte. Hinihingan ba naman ako ng sobrang pamasahe. Pinaalis ko nga!
Ilang sandali pa, may napansin akong isang babae. Iba yung uniporme niya. Taga *** Academy. Yung pinasukan nung Deon na yun dati. Andito ba siya para kay Deon?
Nasagot ang tanong ko nang lumabas si Deon sa gate at hinarap ito. Nakita naman ako ni Deon, dahilan para alisin ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Makapaghanap na nga ng tricycle. Nakailang hakbang na ako nang biglang may gumulat sa’kin. “Huy!”
“Jusko naman Yen! Anong ginagawa mo dito?”
“Anong ginagawa mo dito?” binalik niya ang tanong sa’kin. “O asan na si first love mo? Di mo nahanap ‘no? Kasi, di naman siya totoo! Hmp.”
“Whatever!”
“Sa Sunday ha, 10 am...”
Magw-walk out na sana ako nang biglang may humila ng braso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit napahinto si Yen sa kakatalak.
“Siya. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko nang makipag break. Nahanap ko na ang babaeng hinahanap ko simula nung bata pa ako. Kaya pwede? Sheena, I’m sorry.”
Halos mangiyak-ngiyak na yung Sheena. Ako naman e nakanganga sa mga pinagsasabi ng Deon na ‘to.
“Ano bang---” sabi ko, pero hindi ako pinatapos ng lalaking to.
“Di ba ikaw yung binigyan ko ng panyo at pinatahan ko sa isang playground noon?”
Halos mawalan naman ako ng hininga sa kahibangang sinasabi ng gags na to. Panyo? Pinatahan? Playground? Tae! Pa’no niya nalaman yun?!!
Bago pa ako makapagreact, bigla namang sumabat ang kasama kong gulat din sa mga nangyari.
“Anong ikaw yung batang yun? Sasa, totoo ba to? Tsaka sino ka bang poncio pilato ka?” Tiningnan ni Yen si Deon mula ulo hanggang paa.
“No! He’s just lying! He’s just doing this because he wants to get rid of me.”
“Sheena, I told you. I’ve been in love with a girl for a long time. Now that she’s back, I have no reason to let her go again.”
Taray mag-Englishan ng dalawang ‘to.
“I hate you. I hate you Deon. We’re not yet done! And you!” bigla siyang humarap sa’kin at tinuro niya ako. “You’re gonna pay for this!” At biglang nagwalk-out yung Sheena.
What the!? Ano’ng ginawa ko sa kanya? Teka. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Paano niya nalaman yung mga pinagsasabi ko kay Yen? Pati tuloy ako naguguluhan sa mga pinagsasabi ko. Nangyari ba talaga yun sa totoong buhay? Hindi lang ba yun basta imagination lang? Pero hindi e! Hindi naman talaga yun nangyari!
“Hoy. Ikaw. Ano bang mga pinagsasabi mo... Sinasabi mo bang first love mo ang kaibigan ko?” tanong ni Yen.
“Yes.” walang emosyong sagot ni Deon.
First love niya ako?!
“Paano mo naman nasabi yun?”
“Because I’ve been thinking of her since the day we’ve met. And that was eight years ago.”
Lumaki naman yung mga mata ko. Pati yung taon, alam niya? Hindi lang pala ako, kundi pati na rin si Yen. Nakakanganga na siya ngayon.
“Hindi. Hindi ako naniniwala. Kinausap mo siya ano?” akusa sa’kin ni Yen.
“Anong kinausap? Ni hindi nga kami nag-uusap niyan sa classroom.”
“Magkaklase kayo?!!!”
Tumango lang ako.
“Ikaw! Sabihin mo! Umamin ka! Anong sinabi nitong si Sasa sa’yo? Pinakiusapan ka ba niya?”
“No.” seryosong sabi niya. Humarap siya sa’kin. “Ikaw, siguro naman napapansin mo yung mga titig ko sa’yo araw-araw di ba? Nung una palang kitang nakita, namukhaan na kita. Habang lumilipas ang araw, lumalakas ang loob kong ikaw nga yun. At hindi nga ako nagkamali. Ikaw yun di ba? Nasayo pa ba ang panyong yun?” mahaba niyang paliwanag. Nagawa niya ring hawakan ang mga kamay ko.
Kitang-kita ni Yen ang pagkagulat ko. “You didn’t see this one coming?” Tiningnan ko lang siya. “So totoo to?” Tiningnan niya rin si Deon. Parang di pa rin siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Deon. Pero nagsalita pa rin siya. “I’m Yen. Your... first love’s friend. . .Ingatan mo friend ko ha.” sabi niya sabay talikod.
Pero huminto siya at tumingin sa’kin.
“Naniniwala na ako sa’yo.”