V - THE THICK FACED

495 18 1
                                    

Dinala niya ako sa isang ice cream parlor. Umorder siya ng isang ice cream. Kala ko nga para lang yun sa kanya. Pero nung i-serve na, ang laki pala. Kasya sa isang plato. At mukhang ang sarap-sarap pa! So, I assumed, sa’ming dalawa yun. E malamang, dalawang kutsara yung binigay nung nagserve.

 

“Kumain ka na.” utos niya.

 

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “Ba’t mo ba ako dinala dito?”

 

“Para titigan ako?” sabi niya.

 

Pilosopo.

 

“Syempre para kumain. Tanga ka ba?” sabi niya ulit.

 

“Ikaw! Kung umasta ka, parang ang close close na natin. Ganyan ka ba sa lahat ng babaeng kilala mo? Kung makapagsalita ka...” wala na akong maidagdag pa.

 

“Nakikita mo bang ganito ako sa mga kaklase natin? Ewan ko nga ba. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa’yo. May naaalala lang siguro ako sa’yo.” seryoso niyang sagot.

 

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi ako nagpahalata.

 

“Sino naman?” curious kong tanong.

 

“Si Britney.” sagot niya.

 

“Huh? Sino si Britney?”

 

Baka girlfriend niya? O yung totoong first love niya? Naku! Patay tayo diyan.

 

Tumawa lang siya.

 

“Sino nga?” pangungulit ko sa kanya.

 

“Yung aso ko.” sagot niya.

 

“Ano?! Walanghiya ka talaga! Anong akala mo sa’kin, aso?”

 

“Ikaw nagsabi niyan!”

 

“Ewan ko sa’yo. Naririndi na ako sa’yo.”

 

Hindi ako kumain. Tumahimik lang ako habang kumakain siya. Hindi niya naman ako inaalok. Ewan ko nga ba kung bakit hindi pa ako umaalis dito.

 

Matapos ang ilang minutong pananahimik ko, biglang may narinig akong grupo ng mga babae sa may di kalayuan. Mga tatlong table ang layo nila sa’min.

 

“It’s Deon, right?”

 

“uhdjnsaljdoalkd”

 

“asjdndijfha here?”

 

Hindi ko marinig ang mga pinagsasabi nila.

 

“aidhaidias girl?”

 

“Ayaw mo ba talagang kumain?” biglang tanong ni Deon na halos maubos na ang ice cream.

 

“Ubusin mo ‘yan. Ikaw naman ang bumili niyan ‘di ba?”

 

“Ang arte mo, alam mo yun?”

 

“You’re so forthright, alam mo yun?”

 

“I know right.” sagot niya.

 

Hindi talaga ako mananalo sa kanya. Nakakapikon lahat ng sagot niya.

 

“At ang kapal-kapal ng mukha mo!”

 

Gwapo sana, nakakagigil naman ang ugali!!!

 

“Sabihin mo, nagagwapuhan ka lang sa’kin.”

 

“See? Ang kapal talaga!”

 

Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo at pinagpatuloy ang pag-ubos sa ice cream. He’s hopeless!

 

“Halika na! Tapos ka na ‘di ba?” sarkastiko kong sabi.

 

“Opo. Halika na po.” sarkastiko niya ring sagot.

 

Kung ‘di lang ako ang naiinis, matatawa na ako sa inaasta niya. Kaso, ako ang iniinis niya!

 

‘Di ko nalang siya pinansin at tumayo na. Nakita ko rin na tumayo na rin siya. Nang mapadaan kami sa apat na magbabarkadang babae, bigla namang napatingin ang mga babae. Napansin ko ring nakapang-uniporme sila ng sa *** Academy. Don’t tell me, kilala ni Deon ang mga ‘to.

 

“Hi, Deon.” bati nila in chorus. Sabi na nga ba e!

 

Nakita ko naman ang mukha ni Deon. Parang nagtatanong kung sino ang mga ito. Ahh. Di niya kilala. Pero nag-hi pa rin siya dito ng walang kaemo-emosyon at dumiretso ulit sa paglalakad. Nauuna kasi siya sa’kin.

 

Sikat ba siya sa *** Academy? Balita ko maraming gwapo dun. If I know, walang ubra ang gwapo niya sa dati niyang pinapasukan kaya’t naisipan niyang lumipat ng pinapasukan.

 

 

Hindi ko na rin siya naisipang tanungin kung sino yung mga babaeng yun. Baka pabalang na naman yung isagot, masasabunutan ko na talaga siya.

Childhood Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon