Pagkalabas na pagkalabas namin, bigla naman namin nakasalubong ang grupo ng kalalakihan na puro taga-*** Academy. Bakit puro...teka? Andito pala kami malapit sa may *** Academy! Hindi ko napansin yun ah. Nadaanan pala namin ang iskwelahan niya dati. Tss. Nakakahiya naman pala, iba yung suot kong uniporme. Wala pa naman akong kilala sa *** Academy.
“Bro! What brought you here?”
“Yow. Glad to see you again, bro!”
Lahat sila binati si Deon. Nakita ko namang masaya si Deon na makita sila. So, ito pala ang mga barkada niya. Lahat sila mukhang mayayaman at hindi maipagkakailang may mga hitsura. Tss. Ilang sandali pa, napansin nila ang presence ko.
“And who’s this girl with you?”
“Don’t tell us, you broke up with Sheena?”
“And, that girl replaced her?”
Magkakasunod nilang tanong.
Tumawa lang si Deon. “No. I broke up with Sheena, because in the first place, there was no us.”
Hanep. Parang si Sarah G. lang. There was never an us. Whoo. Panalo si Deon.
“Secondly, guys, this girl beside me...” hinila niya ako at tinabi sa kanya. “is my first love.” natatawa niyang dagdag.
Fudge! Pati ba naman sa mga kaibigan niya, sasabihin niya yun? Grabe. Malala na ang pagkatopak ng taong ‘to.
Ang daming violent reaction sa limang lalaki sa harapan naming dal’wa. Gusto ko nang maglaho! Parang iniisip nila na, Ito? Ang babaeng ito? First love ni Deon Michael Cruz? E sino nga ba si Deon Michael Cruz?
“Bro. I’m telling you. If this thing spread, her, being your first love? I’m telling you bro, she’d be in danger.” halos mapang-asar na sabi ng isa pa sa kanila. Ang medyo pataas ang korte ng buhok na medyo singkit.
Pinaglalaruan ba nila ako?
Natawa naman ulit si Deon. “Then, I’ll protect her.” confident na sagot ni Deon.
Nagtawanan naman silang lahat. I’m out of place!
“What’s her name, then?”
Pansin ko lang, actually, kanina ko pa napapansin. Nasa ibang bansa na ba kami? Last time I checked, nasa Pilipinas naman kami ni Deon ah. Naglakad lang naman kami ni Deon papunta dito. Lahat ba talaga ng taga-*** Academy Englishero? Tss. Kanina yung Sheena na yun, nag-eenglish din. Whoo. Kayo na!
“She is... Sasa.”
“Sasa?” tanong nung isa.
“Yes. Sasa.”
“Just, Sasa?” tanong nung isa pa.