Lunes na. Buti nalang at hindi ako late. Though, hindi na ako nakaabot ng flag ceremony. Pagdating ko sa classroom, bigla akong sinalubong ni new friend, si Deon.
Bigla niyang tinakpan ang mukha ko gamit ang malaki niyang kamay.
“Tigilan mo nga ko Deon. Ke aga-aga!”
“Late ka!” sabi niya lang habang sinusundan ako papunta sa upuan ko.
Tiningnan ko lang siya. “Paki mo ba?”
“Ke aga-aga ang sungit-sungit. Bahala ka nga diyan!” sabi niya sabay walk out. Natawa nalang ako sa kanya.
“Aba. Close sila.” puna ng isa kong kaklase.
Hindi kasi masyadong namamansin si Deon. Na-trauma ata kay Sheena!
“Hindi ah.” sagot ko nalang.
Nang after lunch, dumating ako sa classroom galing bahay ng mga alas dose y medya. Nauna ako sa kanya ng mga ilang minuto. Agad niya naman akong pinuntahan.
“Ba’t ba lapit ka nang lapit? You’re so clingy.” asar ko sa kanya.
Tiningnan niya lang ako ng masama. “E ikaw lang naman kaibigan ko dito e.”
“Kawawa ka naman pala.” asar ko ulit sa kanya.
“Kawawa ka naman pala.” he mimicked. “Ikaw na nga ‘tong nilalapitan ni Deon Michael Cruz, ang choosy mo pa!”
“Kapal.” parinig ko.
“Heard that.” sabi niya lang. Kinakalikot na niya ngayon ang cellphone niya. Katabi ko siya.
“Makipagkaibigan ka kaya sa mga lalaki. Wala naman sigurong katulad ni Sheena sa kanila, di ba?”
“Ayoko nga. Tama na ang may isa akong kaibigan dito. Tsaka, magseselos sila Seff.”
“Seff?”
“Oo. Yung mga nakilala mong mga baliw.” sabi niya. Hindi talaga siya makatingin ng kahit segundo sa’kin. Masyadong busy. Naglalaro pala siya.
May itatanong pa sana ako nang biglang dumating si Lilibeth.
“Deon! Ano na naman yang nilalaro mo? Adik talaga ‘to.” Oh? Close lang? O FC lang talaga?
Bigla naman akong napaatras sa boses ni Lilibeth. Nakita ko rin ang pagkagulat ni Deon. Halos matawa na nga ako.
Tiningnan niya ako na para bang nagtatanong kung anong ginagawa ni Lilibeth sa tabi niya. Ang bilis kasi!
I just shrugged.
“Laruin mo naman yung sa cellphone ko. Hindi kasi ako makaalis sa Level 53 ata yun.”
“Nagugutom ako. Kakakain ko lang. Tss. Samahan mo nga ako Sasa.” segue ni Deon sabay kuha ng kamay ko at hinila na naman ako. Nasasanay na rin ako sa kahihila niya. “Mamaya nalang Lilibeth.”
At naiwan si Lilibeth na nakatunganga habang nakatayo. Nagulat siya sa paghila sa’kin ni Deon. Syempre, kahit ako magugulat kung ako si Lilibeth. Last week, we’re like strangers, tapos ngayon, parang ang close close na namin.
“Dinamay mo na naman ako.” sabi ko kay Deon habang naglalakad papuntang canteen.
“Sorry na. Kairita lang kasi. Ang FC, FC!”
“Nakakatawa nga mukha mo kanina.” sabi ko naman na nakangiti.
“Ipagtanggol mo naman ako dun oh.” sabi niya na parang batang nagsubong sa magulang.
“Ayoko nga. Awayin pa ako nun.”
“Tss.”
Nilibre niya ako ng Nova, kasi may utang na loob daw siya sa’kin. Di ko siya kinonsensya ah. Nagpapaka good boy lang daw siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17279607-288-k129367.jpg)