II - THE DEAL

830 26 0
                                    

First day of class ko ngayon as a senior. Wohoo! Gagraduate na ako! Nang makapasok ako sa room namin, medyo marami-rami na yung mga estudyante. Pumili ako ng isang upuan tapos isinalpak ko na yung earphones sa tenga ko at nagsimulang makinig sa musika na naka-save sa phone ko.

 

Nakita ko namang papalapit ang isa kong kaklase.

 

“Sasa! adhasdsdufisajd...” hindi ko naintindihan ang iba niyang sinabi.

 

“Ano?” sabi ko pagkaalis ng earphones ko sa tenga ko.

 

“Sabi ko, may transferee. May bago tayong kaklase.” Dahil nga nasa private school ako, medyo konti lang yung estudyante sa school namin kaya’t from first year to third year, pare-parehas na mukha ang nakikita ko sa tatlong taong pagpasok ko dito.

 

“Oh? Fourth year na, ngayon niya palang naisipang magtransfer?”

 

Nagkibit-balikat lang siya. “Pero malay mo gwapo?” sabay ngiti ng napakalaki.

 

“Sus. Asa naman.” sabi ko tapos ibinalik ang earphones sa tenga ko. Kala ko kung ano na.

 

Matapos ang ilang sandali, nagbell na. Wala pang isang minuto, dumating na ang bago kong adviser, si Ms. Lorna Hidalgo. May kasama siya, isang lalaki. Naka-earphones din. Tinanggal niya ito nang humarap si Ms. Hidalgo.

 

 

“Class, I want you to meet Deon. Introduce yourself Deon.”

 

He cleared his throat first. “I’m Deon Michael Cruz, 16 years old. I studied my three years in *** Academy.”

 

 

May iba pa siyang mga sinabi pero binalik ko na ang earphones ko sa tenga ko. Tama nga ang kaklase ko, gwapo nga ang transferee na to, kaso arogante naman base sa tayo at pananalita. Tsk tsk. Sayang. Matangkad siya kung tutuusin. Hindi nga umabot ng balikat niya si Ms. Hidalgo. E ang baba naman kasi ni Ms. Hidalgo. Yung buhok niya parang hindi masyado inayos. Effortless ang porma niya, pero ito ang nagbibigay dating sa kanya.

 

Nang mag-uwian na sa hapon, dumiretso ako ng library. Maghihiram sana ako ng novels kasi maraming pagpipilian dun. Ita-try ko sana yung mga classic novels.

 

 

Habang naghahanap ako ng magandang libro, biglang may kumalabit sa’kin. Si Yen lang pala. Paano ako nahanap neto? Hindi kami magkaklase ni Yen dahil third year palang siya, umulit kasi ng kinder! Pero, the worst is, kahit hindi kami magkaklase, magkapit-bahay naman kami. Lumipat sila nung second year ako.

 

“Huy! Dali na. Sama ka na sa’min ni Richie oh. Sa Sunday! May barkada siyang single.” Kinikilabutan talaga ako sa babaeng to.

“Ayoko nga! Sinabi ko na sa’yo ‘di ba? I’m in love. Tsaka, ‘wag ka ngang maingay, nasa library tayo uy!” walang kagatol-gatol kong sabi. Wala pa akong naiisip na magandang alibi kaya yan muna. Sana naman kahit konti maniwala siyang in love ako dun sa batang nagbigay “kuno” sa’kin ng panyo sa isang playground habang ako’y umiiyak.

 

“Maniwala ako sa’yo! Gawa-gawa mo lang yun ‘no!” Medyo malalaki yung bookshelves kaya hindi naman kami agad makikita ng librarian dahil sa ingay naming dalawa.

 

“Ewan ko sa’yo.” paiwas kong sagot.

 

“Dali na kasi!”

 

“Ayoko nga!”

 

“Sige. Tatantanan na kita!” Bigla naman akong napatingin sa kanya. Totoo? Tatantanan na niya ako?

 

“Oh? Totoo ba ‘yan?”

 

“Oo! Kung mahanap mo yung batang tinutukoy mo sa diary mo within this week!”

 

Ano?!!! Ayos lang ba siya? E kahit nga siguro totoong nangyari yung pinagsusulat kong yun, malabo na makita ko ang isang bata dati na binata na ngayon sa halos isang linggo lang. May topak talaga tong Yen na to.

 

 

“Naka-high ka ba? Sa tingin mo ganun kaliit ang mundo? Malay ko ba kung nasa ibang bansa na yun o nasa ibang probinsiya ng Pilipinas. Grabe ka.”

 

“Isipin mo. Kapag nahanap mo siya ngayong week, e di kayo na forever. Pero kung hindi mo siya mahanap, ayaw ni fate na magkatuluyan kayo. Mag move on ka na.”

 

“So, naniniwala ka na sa’kin ganun?”

 

“Hindi pa rin. Kapag nahanap mo siya, dun lang ako maniniwala. Tsaka, kumbinsido naman ako na hindi ka kukuha ng isang actor na magpapanggap bilang siya dahil malalaman at malalaman ko rin lang naman kung nagsisinungaling ka. You know me, Sasa.” buong loob niyang sabi sabay kindat.

 

 

Speechless ako. “O ito, try to read this. Maganda to.” Binigay niya sa’kin ang isang libro at sabay alis.

 

Ang lakas talaga ng kapangyarihan nun. Asa naman akong kukuha ako ng magpapanggap para sa kanya. Pero bakit nga ba hindi? AHHH! Pero, tama siya. Hindi ako magaling magsinungaling e.

 

“Bakit ba naman kasi yun pa yung naisip ko? Sino ba ang batang lalaki ang magbibigay ng isang panyo sa isang bata rin katulad niya habang nakikita itong umiiyak sa isang playground? Sino ba ang batang babaeng maiinlove agad sa isang batang lalaking ginawa yun sa kanya? Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng love nung nine years old palang ako. Ugh!”

 

 

Pumunta nalang ako sa librarian para hiramin nga ang binigay ni Yen.

Childhood Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon