XIII - THE ENDING

502 22 6
                                    

-------please play the video over there :) ↘↘↘↘↘↘↘↘↘

Lumipas ang panahon. Lahat kami nagbago. Mas naging close ako kila Seff, kaso pagminsan lang kami nagkikita-kita, kasi hindi kami pare-parehas ng university na pinapasukan. Yung iba sa barkada ni Deon, may mga girlfriend na. Nagkaro’n na rin ako ng mga bagong kaibigan. Pero, isang araw, umamin sa’kin si Seff ng nararamdaman niya para sa’kin. Gusto niya raw ako. Pero, hindi niya raw ako liligawan. Gusto niya lang na malaman ko kung ano ang nararamdaman niya. Parang sira. Magsama sila ni Deon! Pero sabagay, hindi ko rin naman siya magagawang mahalin. Pagkalipas ng ilang buwan, nakapaghanap naman siya ng girlfriend. Si Yen naman, nakahanap na ng matinong boyfriend. Thank goodness!

 

Lumipas ang limang taon Nagbago ako physically. Nagtatrabaho na rin ako sa isang malaking private company sa human resource department. Medyo nagmature ng din ako ng konti, pero hindi naman ang nararamdaman ko para kay Deon. Minsan nalang kami magkausap. Minsan sa Skype, o sa Facebook. Pero masyado siyang busy, masyado rin akong busy.

 

May mga naging boyfriend din ako. Kaso, hindi tumatagal. Alam ko sa sarili ko na hindi sila si Deon. Mas naging madalang ang komunikasyon namin ni Deon. Pagminsan once a month. Pero ang malala, minsan may mga buwan na hindi na kami nagkakausap. Gusto kong pumunta ng London, pero, walang masyadong rason para pumunta ako do’n. Hindi ko man maamin, pero may sarili na kaming buhay ni Deon ngayon. Iba na ang mundo niya sa mundo ko.

 

Hanggang isang gabi, dumating ang pinakahihintay ko. May isang message para sa’kin sa Facebook.

 

Deon Michael Cruz: I’m coming home! :D

 

Hindi siya naka-online pero nireply ko siya.

 

Cassandra Empleo: Talaga? Kelan?

 

Naghintay ako ng ilang araw, ilang linggo para sa reply niya, pero wala! Wala akong nareceive. Hindi na ba matutuloy ang pagbalik niya?

 

Lumipas na ang apat na buwan, wala pa rin siya. Linoloko lang ata ako. Hindi na rin siya nag-online matapos nun.

 

Wala na ‘ata talaga siyang balak na bumalik. Napakapaasa niya.

 

“Seff, may sinabi ba sa inyo si Deon na babalik siya?” tanong ko kay Seff nang maisipan naming magkita sa isang mall.

 

“Ha? Wala. Sira ulong ‘yon. ‘Di nga ako kinokontak.”

 

Pinaglalaruan niya lang talaga ako. Sasabunutan ko talaga ‘yon!!!

 

Simula no’ng sinabi niya sa’kin na babalik siya, ‘di na ako mapakali. Pero nawawalan na rin ako ng pag-asa na mangyayari pa ‘yon. Do’n na siya nakatira. Maganda na ang buhay niya do’n, sigurado. Sino ba naman ako para balikan niya? Bestfriend niya lang naman ako na pwedeng palitan kahit kelan. Tutal, wala na rin naman akong alam sa buhay niya. Hinaplos ko nalang ang bracelet na binigay niya noon na palagi ko namang suot simula nang umalis siya.

 

“Babae, labas tayo. I mean, date pala tayo.” sabi ni Yen na bigla nalang pumapasok sa kwarto ko.

 

“Yoko.” wala sa mood kong sagot

 

Hinila na niya ako. Dinala niya ako sa rooftop ng bahay nila. Kala ko naman kung saan.

Childhood Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon