“Fine. What do you want to know?”
“Pwede ba? Tama na yung straight English? Quotang-quota na ako kanina e. Englishan kayo ng Englishan! Nakakarindi. Nakakanosebleed!”
Natawa na naman siya. Hindi na mukhang nakakainsulto ang tawa niya.
“Gusto kong malaman kung bakit ganun ka ka-hard o ka-mean dun sa Sheena na yun. Tapos, ano yung replacement o Sheena’s place na pinagsasabi mo?”
“Una, si Sheena... pwede mag-English kahit konti?” demand niya. Nahihirapan siya pag straight Tagalog. Tae yan.
“Fine. Sabi ko lang naman straight English ‘di ba?”
Tumango naman siya. “First of all, Sheena got a crush on me since day one. Day one means, unang araw palang ng high school days namin! Nang magsecond year kami, naging magkaklase kami. Dun nagsimula ang pagpapapansin niya sa’kin. Nung una, may girlfriend ako kaya di niya masyadong nakukuha ang atensyon ko. It’s not that I’m serious with Liza before, my ex, pero Liza’s not like her. Hindi madrama.
“Dahil nga sa pag-aaligid niya, napilitan akong magkagirlfriend ulit. Dalawa ang naging girlfriend ko pagkatapos ni Liza, dahil lang kay Sheena. Yung isa nga, taga-public. Pero dahil sa ugali ni Sheena, lahat nang nakarelasyon ko linayuan ako! Imagine that? Natakot sila kay Sheena.
“Unfortunately, naging magkaklase ulit kami nung third year. Ginawa niyang advantage ang pagiging single ko. Wala siyang pinapalapit na babae sa’kin. She even spread a news na kaming dalawa na para wala nang lumapit na ibang babae sa’kin! Nagalit ako sa kanya. I confronted her. There, she cried in front of me. Naawa ako. Tss. Sinabi niya rin na hayaan ko siyang mahalin niya ako.
“I became soft. She seemed so vulnerable. Hindi ako maka-hindi sa kanya. So, I said fine. In one condition. Huwag siyang masyadong clingy. Um-oo naman siya. Pero habang tumatagal, akala niya, I was starting to fall for her. I confronted her again. I said, ‘wag siyang umasa. Umiyak na naman siya. That’s when I thought of transfering to other school without her knowledge. That’s why I’m at your school right now.
“Until, I’ve heard your conversation with your friend. Oh, and your monologue. Dun ako nagkaro’n ng idea about the childhood friend thing. I called her as soon as possible. Umarte rin ako. So that’s what happened. Nagsisisi rin ako kung bakit binigyan ko siya ng chance. Dapat naging mas honest ako sa kanya. She became almost emotionally damaged because of me. Dapat hinandle ko ng tama ang sitwasyon noon. Pero wala na akong magagawa pa. So, that’s it. Any reaction? Before going to the other concern of yours?”
Tahimik lang akong nakinig sa mahaba niyang kwento. Ayokong istorbohin siya, kahit sa utak ko, ang daming reaksyon.
“So, technically, naging kayo ni Sheena.”
“Yeah. Just, technically.”
Tumango naman ako.
“Grabe. Masyado niyang pinahiya ang sarili niya. To think na siya pa ang dahilan ng paglipat mo ng school. Wow.”