Chapter 1

243 5 0
                                    

“Excited na ako papa! Sa tingin niyo po magugustuhan ito ni Angelo? Sana magustuhan niya kasi inilagay ko lahat ng pagmamahal ko sa paggawa ng cake na ito” masayang sabi ni Badette sa kanyang ama habang ipinapakita ang ginawang cake saka ipinatong sa mesa.

                “Oo naman! Siyempre magugustuhan ni Angelo itong…ano ba ito? Uling na bilog? Basta magugustuhan ni Angelo yang ginawa mo sa kanya kasi anak ko ata ang gumawa niyan” natatawang sabi ni Mr. Rogelio Fernandez sa kanyang nag-iisang anak na dalaga.

                Umingos naman si Badette sa sinabi ng kanyang ama. “Papa naman eh! Di naman ito uling! Cake poi to! Chocolate Cake!” nagtatampong sabi ni Badette sa kanyang ama. “Parang ayaw ko na tuloy itong ibigay kay Angelo. Parang ayaw ko nang ituloy ang surprise ko sa kanya.Nilalait niyo kasi Papa ang gawa ko” dugsong pa ng dalaga sa kanyang sinabi.

                Natatawang lumapit si Mr. Fernandez sa kanyang anak na dalaga. “Naku naman! Nagtampo naman agad ang aking baby ” saad ni Mr. Fernandez saka niyakap mula sa likod ang kanyang anak at hinalikan sa ulo. “Joke lang yun anak. Di ka na mabiro” natatawang sambit ng matanda at saka iniharap ang kanyang anak sa kanya. “Tignan ko nga…maganda naman ang anak ko…”sabi ng matanda upang mapangiti si Badette “matalino, masipag, sexy din naman, mayaman, isang Fernandez, at Vice President ng Fernandez Cosmetics Group of Companies. Sinong di maiinlove sayo? Tapos napakasweet mo pa dahil ipinagbake mo pa siya ng cake para sa Birthday niya na hindi mo naman ginagawa dati. Aba baliw na si Angelo kapag pinakawalan ka pa niya at di pa niya nagustuhan ang cake na ginawa ng anak ko” nakangiting sabi ni Mr. Fernandez sa kanyang anak.  

                Napangiti na si Badette sa sinabi ng kanyang ama. “Thanks Papa. I love you!” saad ng dalaga saka pinisil ang pisngi ng kanyang ama.

                “I love you too anak!” sabi ni Mr. Fernandez at saka hinalikan ang kanyang anak sa noo. “I think you should be going now. Para maihanda mo ng maayos ang iyong sorpresa para kay Angelo”sabi pa ng matanda bago inakay palabas ng kusina ang kanyang anak.

                “Thanks ulit Papa” nakangiting sabi ni Badette sa kanyang ama nang nasa garahe na sila ng kanilang mansyon at saka humalik sa pisngi ng matanda.

                Ngumiti si Mr. Fernandez at saka pinanood ang kanyang anak habang sumasakay ito sa kanyang pulang kotse. Kitang-kita niya ang kinang sa mga mata nito at ang masayang ngiti sa labi ng kanyang anak dulot ng kasiyahang umibig. Ang sarap talagang magmahal. Naalala tuloy niya ang kanyang yumaong asawa. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa at napakasaya niya sa piling nito. At masaya siyang makita na masaya din ang kanyang anak. “Goodluck anak! Make Angelo happy on his birthday”.

                “I will Papa. Bye!” paalam ni Badette sa kanyang ama at saka pinaandar paalis ang kotse.

                Excited na si Badette habang papunta sa apartment ng kanyang tatlong taong boyfriend na si Angelo. Mahirap na tao lang si Angelo ngunit nahulog ang loob niya dito. Hindi naman ito kagwapuhan ngunit malakas ang appeal. Hindi naman mapagmata ang kanilang pamilya kaya kahit na manligaw sa kanya ang lalake ay ayos lamang sa kanyang ama. Hanggang sa naging magkasintahan na nga silang dalawa. Sa loob ng tatlong taon na magkasintahan sila ni Angelo ay naging masaya siya sa piling nito kaya naniniwala siyang ito na ang kanyang magiging asawa. Si Angelo na ang kanyang first love at ang lalake na rin ang kanyang last.

                Nang pagkaliko ni Badette sa kanto patungo sa apartment ng kanyang kasintahan ay nakaramdam siya ng kaba. At dahil hindi siya mapakali sa kanyang nararamdamang kaba ay agad niyang pinasibad ang kanyang kotse upang makarating agad sa apartment ni Angelo.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon