Chapter 11

126 5 0
                                    

Maagang nagising si Badette kinabukasan. Isang buntong-hininga agad ang kanyang pinakawalan ng makabangon mula sa kama. Naalala na naman kasi niya si Gerald at ang sinabi nitong di ito susuko hangga’t di siya napapaibig. Napapaisip siya simula pa kagabi kung ano ang binabalak ng binata. Manliligaw ba ito? Yayayain siyang makipagdate? Malamang! Wala namang ibang paraan kundi ang ligawan siya. Pero paano kung ibang paraan ang gawin ng binata? Agad siyang umiling at inalis sa kanyang isipan ang kanyang naisip kani-kanina lang.

Paglabas ng dalaga sa kwarto ay agad siyang nagtungo sa kusina para magalmusal. Pupungas-pungas pa siya habang umuupo sa upuan at suot pa niya ang kanyang pajama. Minsan kasi ay ugali niyang magalmusal muna bago magbihis para pumunta sa trabaho at nang umagang iyon ay napili niyang mag-almusal muna.

“Manang Gelay! Mukhang masarap ang niluto mong almusal ngayon ah!” saad ng dalaga ng maamoy ang inihaing pagkain sa hapag-kainan. Humikab muna siya bago tinignan ang mga pagkain sa lamesa.

“Salamat! Buti naman at mukhang nagustuhan mo ang luto ko Badette” saad ng isang baritonong boses.

Nagulat si Badette ng marinig ang boses ng isang lalake kaya kaagad siyang napaangat ng ulo at napatingin sa nagsalita. Agad kumabog ang kanyang puso ng masilayan ang gwapong mukha ni Gerald sa kanyang harapan at nakasuot ng apron.

“Anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong ni Badette sa binata.

“Ipinagluto ka ng almusal. Sige kain ka na. Baka malate ka sa office mo” sabi ni Gerald at saka nilagyan ng kanin at ulam ang pinggan sa harap ni Badette. “Masarap ang luto ko diyan kaya ubusin mo ha at saka niluto ko iyan para talaga sa iyo” dugtong pa ng binata.

“Asan si Manang Gelay?” nakakunot noong tanong ni Badette.

“Ah si Manang Gelay? Pinagpahinga ko muna. Ayaw pa nga niya akong pagalawin dito sa kusina ninyo. Kinumbinsi ko lang kasi sabi ko nanliligaw ako sa iyo. Ayun pinayagan na niya akong magluto ng breakfast mo” mahabang litanya ni Gerald.

“Nanliligaw?” taas kilay na tanong ni Badette.

“Oo! Nililigawan na kita. Sige kainin mo na iyan para magkameron ka ng energy maghapon. Lalabas muna ako para makakain ka”sagot ng binata at saka hinubad ang apron at saka nagtungo palabas ng dining room.

“Wait!” pigil ng dalaga sa binata. “Saan ka pupunta? Halika samahan mo na akong mag-almusal. Saluhan mo na akong kumain nitong luto mo” seryosong sabi ni Badette at saka sumubo ng pagkain.

Tumigil naman si Gerald ng tawagin siya ni Badette. Humarap siya sa dalaga at di niya mapigilang ngumiti ng makitang sumusubo ito ng pagkain. “Ok!” tanging nasambit ng binata at saka umupo sa tabi ni Badette na hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti sa mga labi.

Pagkaupo ay agad kumuha ng kanin at ulam si Gerald ngunit hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti. Kahit habang sumusubo ng pagkain ay di pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi na siyang dahilan ng pagkakataas ng kilay ni Badette.

“Nasisiraan ka ba ng ulo” tanong ng dalaga kay Gerald.

“Ha?” nagtatakang tanong ng binata.

“Kanina ka pa kasi ngiti ng ngiti diyan, wala namang dapat ngitian”

Hindi napigilan ni Gerald na matawa sa sinabi ng dalaga habang si Badette ay nakaramdam naman ng pagkaasar sa binata.

“Ano bang problema mo? Gusto mo dalhin na kita sa mental?” naiiritang tanong ng dalaga subalit nginitian lamang siya ng binata. “Ano ka ba? Huwag ka ngang ngumiti diyan! Nakakaasar ka na” galit na sabi ng dalaga.

Sa halip na sumagot ay nakangiting hinawi at sinuklay-suklay ng daliri ng binata ang magulong buhok ng dalaga. “You look cute pala kapag bagong gising” saka tinitigan ng binata sa mga mata ang dalaga “At maswerte akong nakikita kita sa ganyang ayos. Wala akong masabi kundi ang swerte ko”.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon