Chapter 5

170 3 0
                                    

                Alas-siyete na ng gabi sa relo ni Gerald ng tignan niya ito. Nauna siya sa Forest Green Restaurant kung saan sila magmimeeting ni Mr. Fernandez para sa proposal ng kanilang kompanya. Maaga siya sa lugar dahil ayaw niyang mapahiya kay Mr. Fernandez. Nakakahiya naman kung late siya at siya pa ang hinihintay ni Mr. Fernandez.

                Palinga-linga siya sa loob ng restaurant dahil anumang sandali ay alam niyang darating na roon si Mr. Fernandez. Kabado siya pero alam niyang makakaya niya. Hindi siya vice president ng Sanchez Marketing and Advertisements for nothing. Bagamat ang ama niya ang may-ari ng kompanya ay pinaghirapan niyang maabot ang kanyang pwesto.  Hindi siya tulad ng iba na nasa posisyon lang dahil ang kanilang mga magulang ang may-ari ng kompanya.

                Mula sa pintuan ng restaurant ay nakita ni Gerald na pumasok si Mr. Fernandez. Tumikhim siya at inayos ang kanyang sarili. Heto na ang kanyang pinakahihintay ngunit napatulala si Gerald ng makita kung sino ang kasama ng ni Mr. Fernandez. Mula sa kamay ng matanda ay nakita niyang kumapit ang anak nitong si Badette.

                Hindi na naalis ang tingin ni Gerald kay Badette mula ng masilayan niya ang dalaga. She was gorgeous in that sexy black dress. Katulad ng nangyari ng una niya itong makita, naging mabagal ang oras at lahat ay parang slow motion. Nakatitig lang siya sa magandang mukhang iyon.

                Nagbalik sa reyalidad si Gerald ng marinig ang pagtikhim ni Mr. Fernandez. Agad siyang tumayo at ngumiti sa matanda. “G…goodevening Mr. Fernandez. Mabuti naman at nakarating kayo” sabi ni Gerald at saka ngumiti.

                “Good evening Mr. Sanchez. Siyempre naman darating ako. Hindi ko ugaling umurong sa usapan at saka interesado din ako sa proposal ng kompanya nyo” nakangiting sabi ni Mr. Fernandez.

                “Thank you sir” magalang na sabi ni Gerald. Tinignan ng binata si Badette. “Goodevening sa iyo Miss Fernandez. Glad to see you again” nakangiting sabi ni Gerald at saka inilahad ang kamay kay Badette.

                Nakipagkamay si Badette kay Mr. Gerald ngunit hindi gumanti ng ngiti sa binata. “Goodevening Mr. Sanchez”

                Naramdaman na naman ni Gerald ang kakaibang pakiramdam ng magkamay sila ni Badette. Iba talaga ang kanyang nararamdaman sa simpleng pakikipagkamay lang. Marami na siyang babaeng nakamayan sa kanyang mga meeting na nadaluhan at pawang lahat ay magaganda ngunit iba kapag si Badette na ang kanyang nakakadaupang palad. His heart just pump like crazy.

                Nagtaka ang binata ng hindi man lang ngumiti ang dalaga. Napakapormal ng babae sa reaksiyon nito.Saka lang niya napansin na simula ng una niyang makita ang dalaga ay hindi pa niya nakikita itong ngumiti.

                “Ahm…let’s take a sit!” sabi ni Gerald sa dalawa.

                “Thank you!” sabi naman ni Mr. Fernandez.

                Umikot si Gerald sa lamesa at ipinaghila ng upuan si Badette. Nagkatinginan pa sila ni Mr. Fernandez dahil pareho silang ipinaghila ng silya ang dalaga.

                “Thank you Papa! Thank you Mr. Sanchez!” sabi ng dalaga at saka umupo sa upuan.

                “You are welcome Miss Fernandez” sabi ni Gerald sa dalaga. “Sir let’s take a sit” nahihiyang sabi ng binata kay Mr. Fernandez saka umupo sa kanyang kinauupuan kanina.

                Lumapit sa kanila ang isang waiter sa restaurant at kinuha ang kanilang mga order. Pasimpleng sinusulyapan ni Gerald si Badette habang namimili ito ng oordering pagkain. Gusto niyang palaging makita ang mukha ng dalaga. Napadako ang kanyang tingin kay Mr. Fernandez at nakita niyang nakatingin ito sa kanya na salubong ang mga kilay. Agad niyang inalis ang tingin sa matanda. Pakiramdam niya ay para siyang bata na napagalitan dahil may ginawang masama. Alam niyang namula siya dahil sa pagkapahiya.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon