Chapter 4

114 4 0
                                    

Hindi pa iyon ang araw ng business ng meeting ni Gerald kay Mr. Rogelio Fernandez ngunit nais na niyang makita at makilala ito ng personal. Nagdala rin siya ng ilang piraso ng proposal na maaari nilang pag-usapan in advance bago pa man dumating ang araw ng kanilang mismong business meeting. Excited siya na makilala si Mr. Fernandez ng personal. Tumawag siya kanina sa opisina ni Mr. Fernandez at humingi ng appointment sa sekretarya nito. Maswerte siya dahil inaprubahan ni Mr. Fernandez ang kanyang pakikipagkita rito.

                Habang naglalakad sa loob ng building ng Fernandez Cosmetics Group of Companies ay hindi mawala ang ngiti sa labi ni Gerald. Humahanga siya sa mga empleyado ng kompanya. Lahat ng mga ito ay magagalang at bumabati sa kanya. May mga magaganda ring babaeng empleyado ang kompanya na bumabati sa kanya. Nahihiyang ngingitian niya ang mga ito at makikita niyang nagbablush ang mga babaeng iyon. Paano siya matatawag na bading gayong madami ang nahuhumaling sa kanyang appeal? Napailing na lang siya sa kanyang naisip at bahagya pang napatawa. Agad naman niyang tinungo ang elevator at sumakay sa loob noon.

                Pagkalabas ng elevator ay agad niyang tinungo ang opisina ni Mr. Fernandez. Sinalubong pa siya ng sekretarya nito at saka pinapasok sa opisina. Sa wakas, he saw him sitting at the back of the table wearing a smile.

                “Have a sit Mr. Sanchez” sambit ni Mr. Fernandez na may ngiti sa mga labi.

                “Thank you Mr. Fernandez” sabi ni Gerald at saka umupo sa upuan sa harap nito. “I am very glad to meet you in person Mr. Fernandez”

                “The pleasure is mine too. So, kumusta ang anak ni Mando?”

                “Are you talking about my father Sir?”

                Natawa naman si Mr. Fernandez sa kausap. “Yes! I am talking about your father. Kung hindi mo naitatanong ay kaibigan ko yang si Mando simula ng College pa lang kami. So kumusta ka na? Ang laki mo na! Samantalang ng una kitang makita sanggol ka pa lamang” natatawang sabi ng matanda.

                Nahihiya namang ngumiti si Gerald kay Mr. Fernandez. “Ah…Ok lang po ako sir. Kaibigan po pala kayo ng aking ama. Pasensya na po wala kasi siyang nababanggit sa akin”

                “It’s ok! Hindi naman kami ganoong kalapit sa isa’t isa. Sa biyernes na ang ating meeting are you prepared hijo?”

                “Yes Sir! Actually, meron na nga akong dalang ibang proposal dito. Do you wanna see it sir?”

                “Sure!” sang-ayon naman ng matanda sa binata.

                Naabala naman ang paguusap nila dahil sa pagtunog ng intercom sa lamesa ni Mr. Fernandez.

                “Yes Ciara, ano iyon?” tanong ng matanda sa sekretarya nito.

                “Sir, narito po si Mam Badette kakausapin daw po kayo” sagot ni Ciara.

                “Sige papasukin mo siya”

                “Yes Sir” huling sabi ni Ciara at maya-maya ay may kumatok at binuksan ang pinto.

 Pumasok si Badette sa loob ng opisina at binati ang kanyang ama. Tinignan ni Badette ang kausap ng kanyang ama at tinanguan lamang ang lalakeng kasalukuyang nakaupo sa silya na kaharap ng kanyang ama.

“Gerald meet my daughter Badette. Badette here is Gerald anak ni Mando” pagpapakilala ni Mr. Fernandez sa dalawa.

“Nice to meet you Gerald” saad ng dalaga bago inilahad ang kamay sa binata.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon