Chapter 12

122 5 0
                                    

                 Mahigit isang buwan na ring naninilbihan si Gerald sa hacienda ng Fernandez bilang panliligaw sa nag-iisang anak ni Mr. Fernandez na si Badette. Inaamin ni Mr. Fernandez na humahanga siya sa pagpupursige ng binata sa panliligaw nito sa kanyang dalaga.Unti-unti na niyang napapatunayan na mahal nga ng binata ang kanyang anak.

                Hindi lang isa, ngunit maraming beses na niyang nahuhuling nagkakatitigan si Gerald at si Badette. Nagmahal na rin siya at alam niya kung paano basahin ang mga mata ni Gerald. Punong-puno ito ng pagmamahal para sa kanyang nag-iisang dalaga.

                Hindi rin lingid sa kanya na unti-unti na ring nahuhulog ang kanyang anak para sa lalake. Nahuhuli niya itong palihim na nagmamasid kay Gerald. Minsan ay gagawa ito ng kalokohan para pahirapan ang binata sa pagsisilbi nito sa kanya. Mamaya ay magkakaasaran na ang dalawa at sa huli ay mauuwi sa panunukso ng binata kay Badette. Hindi niya maiwasang matawa kapag nakikita ang kanyang anak na nawawalan ng imik habang namumula. Kilala niya ang kanyang anak na hindi basta basta nagpapatalo pero kapag sa binata ay agad itong tumitiklop lalo na kapag nagpapacute na si Gerald. Sa edad niyang iyon ay natatawa siya kapag inaamin niya sa sariling kinikilig siya sa dalawa.

                Kapag nasa opisina naman sila para pag-usapan ang kanilang mga proyekto para sa ikauunlad ng kanilang kompanya ay makikita niya ang pagiging seryoso ng dalawa pero kapag natatapos na ang kanilang pag-uusap ay ngingitian ng binata si Badette na agad iiwasan ng tingin ng kanyang anak. Minsan ay si Badette naman ang ngingiti na magiging dahilan ng pagkataranta ni Gerald at ng pagiging mali-mali nito. Minsan ay magpapatay-malisya na lang siya o kaya ay tatalikod saka ngingiti sa mga nasasaksihan. Ayaw niyang ipakitang boto na siya sa binata para sa kanyang anak. Mas mabuting alam ng mga ito na istrikto siya para di maging pabaya si Gerald sa panliligaw nito.

Isang araw ay nagkameron ng lagnat si Badette. Bagamat masama na ang pakiramdam ay pumasok pa rin siya sa opisina para magtrabaho. Hindi rin niya sinabi sa kanyang ama na mayroon siyang lagnat. Ugali na kasi niya na di magsabi dito kapag may nararamdam ng sakit. Ayaw niya kasing mag-alala ito sa kalagayan niya.

Naabutan na lamang nina Mr. Fernandez at Gerald si Badette na inaapoy ng lagnat sa gitna ng ulan. Nasiraan kasi ito sa gitna ng kalsada at naisipan nitong gawaan ng paraan ang nasirang kotse dahil nagiging dahilan na siya ng traffic ngunit di pala niya kaya. Kahit malakas ang ulan ay kinalkal niya ang makina ng kanyang kotse. Hindi na rin siya tumawag ng mag-aayos ng kanyang sasakyan dahil siguradong matatagalan pa ang mga ito sa tindi ng traffic.

Basang-basa si Badette sa ulan na naging dahilan para mas lalong tumaas ang kanyang lagnat. Agad siyang dinala sa ospital ng kanyang ama at ni Gerald para malunasan. Nang sinabi ng doctor na magiging maayos na si Badette at bumaba na ang lagnat ng dalaga ay saka naging panatag ang kalooban ni Mr. Fernandez at Gerald.

“Ano ba ang pumasok sa kanyang isipan at ginawa niya ang kanyang kotse sa gitna ng malakas na ulan?” dapat tumawag siya ng pwedeng gumawa ng kanyang kotse” inis na sabi ni Gerald habang nagbabantay sa natutulog na si Badette.

“That’s my daughter! Hindi siya palaasa sa iba. Hindi siya katulad ng ibang babae na mahina at ayaw niyang nagmumukhang mahina” pagtatanggol ni Mr. Fernandez sa kanyang anak.

“But she needs help Mr. Fernandez! I know your daughter is strong, intelligent and outstanding, but she is still a woman, kailangang alagaan at protektahan” matatag na sabi ni Gerald sa matanda.

Tinitigan lang ni Mr. Fernandez si Gerald. Humanga siya sa binata sa pagnanais na maprotektahan si Badette. Alam niyang nag-aalala lang ang binata sa kanyang anak. Nababasa niya ito sa mga mata ni Gerald. “Yeah I know! Pero kapag narinig niya ang sinabi mong iyan siguradong magagalit siya sa iyo. Ayaw pa naman niyang tinatrato siyang mahina” Seryosong sabi ni ng matanda ngunit pigil ang ngiti. Hindi kasi niya maisip ang gagawin ng binata kapag inaway na ito ng kanyang anak dahil sa mga sinabi nito.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon