Chapter 6

98 3 0
                                    

                “Woah! Talaga! Ano pang nangyari?” tanong ni Simon kay Gerald habang nakaupo sa upuan sa isang mamahaling restaurant. Nagkameron na naman kasi ng bonding ang magkakaibigan at naisipan nilang magbreakfast ng magkakasama.

                “Grabe pare ganun pala iyon ano? Hindi mo mapigilan ang sarili mo na di siya tignan. Ang ganda kasi niya. And she was really amazing! Kaya lang…” pabiting sabi ni Gerald.

                “Kaya lang ano?” tanong ni Luther.

                “Bantay sarado siya ni Mr. Fernandez. Kapag napapatingin ako kay Badette nakatingin agad sa akin si Mr. Fernandez” sabi ni Gerald sa mga kaibigan.

                “You can’t blame him. He is one of the biggest names in the business industry and Badette is his only daughter. Meaning lahat ng kanyang ari-arian ay mapapasakamay ni Badette kaya ganoon na lang siya kahigpit” sabi naman ni Diego.

                “Oo nga naman! Tiba-tiba ka kapag nagkataon pare!” masayang sabi ni Luther saka niyugyog ang balikat ni Gerald.

                “Oo nga pabalato ha!” sabi naman ni Simon.

                “Mga sira! Hindi naman ang kayamanan nila ang habol ko kundi ang pagmamahal ni Badette” sabi ni Gerald.

                “Naks! Binata na talaga ang ating kaibigan. Nairog na!” biro ni Simon na naging dahilan ng tawanan sa grupo.

                “Napapaisip lang ako. Bakit hindi man lang nangiti si Badette? At saka bakit may lungkot sa kanyang mga mata habang pinapanood ko siyang nanonood sa man-made falls sa restaurant kagabi?” sabi ni Gerald sa mga kaibigan kaya bumalik sa pagiging seryoso ang mga ito at tumigil sa pagtawa.

                “Pag-ibig na nga iyan! Concern na si Gerald oh!” pabirong sabi ni Luther.

                “Hindi ko lang kasi gustong nakikita na malungkot si Badette” seryosong sabi ni Gerald. Nagpalabas naman ng nangaasar na ungol ang kanyang mga kaibigan at saka nagtawanan.

                “Sige aalamin natin iyan. Hindi open ang Fernandez Family tungkol sa nangyayari sa kanilang pamilya. Siguro naman kahit sino sa atin ay hindi gugustuhing pakialaman ang personal na buhay pero dahil ngayon lang nainlove itong si Gerald, ako nang bahalang magimbestiga” sabi ni Simon.

                “Thanks Simon!” nakangiting sabi ni Gerald at saka nakipagumpugan ng kamao sa kaibigan.

                “Basta ikaw pare! Nanginginig pa!” sabi naman ni Simon.

                “Yuck! Nakakadiri kayong dalawa. Sige na kayo na ang cheesy!” nang-aasar na sabi ni Luther sa dalawa.

                “Inggit ka lang ata pare eh! Alam ko namang nagseselos ka sa amin ni Gerald dahil matagal ka ng nababading sa akin! Yayakapin na lang kita para mawala ang selos mo” ganting biro ni Simon saka umaktong yayakapin si Luther.

                Agad lumayo si Luther kay Simon na nanlalaki ang mata. “Langya ka pare! Huwag mong sirain ang reputasyon ko! Baka layuan na ako ng mga chicks niyan” naiinis na sabi ni Luther kay Simon.

                Natatawang lumayo si Simon kay Luther. Si Gerald naman at Diego ay natatawa sa kanilang mga kaibigan. Palagi na lang silang ganoon. Parang walang problema at laging nagbibiruan. Kaya siguro nagtagal si Gerald sa kanyang mga kaibigan. Dahil masarap kasama ang mga ito at napapagaan ng mga ito ang kanyang mga problema.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon