Chapter 2

134 3 0
                                    

Nagising si Badette sa madilim na paligid at tanging ilaw lang ng lampshade ang nakikita niyang liwanag. Hungkag ang kanyang pakiramdam, masakit ang mga mata at muli nadama niya ang labis na kalungkutan. May tumulo na namang luha sa kanyang mga mata na dumaloy sa kanyang pisngi patungo sa kanyang teynga at buhok. Wala siyang lakas para gumalaw. Para bang ng dahil sa kanyang pag-iyak ay naubos ang kanyang lakas.

Mula sa gilid ng kama ay naaninag niya ang isang bulto ng katawan. Nakita niya ang kanyang ama na nakatingin sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok mula sa noo at paulit – ulit.

“Kumusta na ang aking anak?” tanong ni Mr. Fernandez.

Gusto mang sagutin ni Badette ang kanyang ama sa katanungan nito. Gusto niyang ibahagi dito ang sakit na kanyang nararamdaman ngunit walang tinig na nais lumabas sa kanyang mga labi. Tanging pag-iwas lang sa tingin nito ang kanyang ginawa. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang ama.

“Anak sabihin mo sa akin ang dinaramdam mo. Makikinig naman ako” nagdaramdam na sabi ng matanda.

Ayaw ni Badette sa nagdaramdam na  tinig na iyon ng kanyang ama. Mukhang nasasaktan na rin ito dahil sa kanya ngunit ayaw bumuka ng kanyang mga labi para magsalita. Hindi pa niya kayang sabihin dito ang nangyari. Gusto muna niyang mapag-isa.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto at mula roon ay pumasok si Eloisa na dala na ang tray na naglalaman ng mainit na sopas at may tatlong pulang rosas sa kaliwang gilid ng tray.  Tinignan lang ni Badette ang tray ng pagkain. Napakasweet talaga ng kanyang ama. Naisip niya tuloy na sana katulad na lang ni Angelo ang kanyang ama. Sana sweet, mapagmahal at faithful din si Angelo sa kanya. Ngunit hindi naging katulad ng kanyang ama si Angelo lalong-lalo na sa pagiging faithful. Muli ay nais niyang mapaiyak ng maalala ang ginawang kataksilan ng kanyang dating nobyo.

“Anak kumain ka muna ng sopas para gumaan ang pakiramdam mo” sabi ni Mr. Fernandez sa kanyang anak na si Badette.

Tumango lang si Badette. Wala siyang ganang kumain pero hindi niya kayang tanggihan ang kanyang ama. Dadamputin na sana niya ang kutsara ngunit pinigilan siya nito. Ang kanyang ama na mismo ang sumandok ng sopas at isinubo sa kanya.  Naalala tuloy niya ang mga panahong may sakit siya noong bata pa siya. Ganoon din ang ginagawa ng kanyang  ama. Sinusubuan siya nito kapag di siya makakain ng ayos. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi lagnat, trangkaso o ubo ang kanyang sakit kundi sakit sa puso na idinulot ni Angelo.

Kasalukuyang nagkakasayahan ang grupo ng magkakaibigang lalake sa isang bar. Maririnig ang halakhakan at kantyawan sa apat na sulok ng private room habang nagkakantahan, nagsasayawan at nagkakantahan ang mga magkakaibigan.

“Uy pare balita ko maganda ang bago mong girlfriend ah!” sabi ni Simon ang pinakamakulit sa magbabarkada.

“Wow! May bago ka na naman Luther? Grabe pare ang lakas mo talaga sa mga chikabebe” kantyaw naman ni Diego.

“Ganoon talaga pare! Pogi itong kaibigan niyo eh! Habulin ata ng mga chics!” ganting biro ni Luther sa mga ito at saka nagpost na parang Mr. Pogi at saka kumindat sa kanyang mga kaibigan. Pinagbabato naman ang binata ng mga kabarkada nito ng mga mani at chicharong bulaklak. At muli ay narinig ang tawanan sa grupo habang nagbabatuhan ng mga pulutan.

“At sino naman itong bagong girlfriend mo ha Luther?” tanong ni Gerald kay Luther.

“Isa siyang Model pare. And you know what?” seryosong sabi ni Luther at saka inilapit ang mukha sa mga kaibigan. “She is so hot! Grabe!” nakangising sabi ng binata at saka humalakhak ng napakalakas.

                “Whoa! Pare nakakainggit ka” sabi ni Simon.

                “So what is the name of this hot model?”  nangingiting tanong ni Diego.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon