Chapter 3

122 3 0
                                    

“Gerald! Please come to my office right now!” tawag kay Gerald ng boses mula sa intercom.

                Pinindot naman n Gerald ang intercom para makipagusap sa kabilang linya. “Yes sir” sagot ni Gerald at saka mabilis na tumayo sa kanyang upuan at lumabas ng kanyang opisina. Habang naglalakad sa opisina ng tumawag sa kanya ay napapaisip ang binata. “Ano na naman kaya ang kailangan sa akin ng aking ama? Naku huwag naman sana niya akong kuliting mag-asawa na. Paano kung may babae na naman siyang ihaharap sa akin? Anong gagawin ko?” kinakabahang tanong ni Gerald sa kanyang sarili.

                Pagkarating sa pinto ng opisina ng kanyang ama ay kumatok muna si Gerald at ng marinig niya ang boses ng kanyang ama ay pumasok agad siya sa opisina nito. “Good morning sir” bati niya sa kanyang ama. Agad nawala ang kaba sa kanyang dibdib ng wala siyang makitang babae sa opisina nito.

                “Good morning Gerald! Please sit down” ganting bati ni Mr. Amando Sanchez sa anak at saka iminustra ang kamay sa anak para maupo.

                “Thank you sir!” pasasalamat ni Gerald at saka umupo sa itinurong silya ng ama. Nang makaupo ang binata ay saka siya muling nagsalita. “So what can I do for you sir?” tanong niya sa kanyang ama na siyang presidente ng Sanchez Marketing and Advertisements.

                Tinignan muna siya ng kanyang ama bago nagsalita. “I have a meeting with the President of Fernandez Cosmetics Group of Companies named Mr. Rogelio Fernandez. Dapat noong last week pa ang aming business meeting kaya lang ay nagkameron ng problema si Mr. Fernandez kaya naresched ang meeting. At dahil madami din akong meeting na dadaluhan outside the country next month ay ikaw muna ang nais kong makipagmeeting sa kanya. I know you can do it son! Mr. Fernandez is a big catch so do your best! ”

                “Thank you dad! I will do my best kaya huwag kang mag-alala. Ingat ka sa states dad” sabi ni Gerald sa kanyang ama na may ngiti sa labi. Masaya siya dahil nagawang ipagkatiwala sa kanya ng kanyang ama ang isang importanteng transaksyon. Mr. Rogelio Fernandez is a well-known personality in the business world. Kahanga-hanga ang nagawa nitong pagpapa-unlad sa kompanyang pag-aari nito sa loob lamang ng dalawang taon. Excited na siya para sa meeting.

                “And another thing son” saad ni Mr. Sanchez.

                “Yes dad! What is it?” tanong ni Gerald sa kanyang ama na di pa rin nawawala ang saya sa mukha.

                “Kailan ka ba mag-aasawa?” seryosong tanong ni Mr. Sanchez sa anak.

                Bigla namang nawala ang ngiti sa mga labi ng binata ng marinig ang tanong ng kanyang ama. Ang saya ay napalitan naman ng pagkainis. “Dad, heto na naman po tayo” sabi ni Gerald na halata ang pagkainis sa boses.

                “I am just worried about you son. You are not getting any younger at saka gusto ko na ring magkaapo” seryoso pa ring sabi ni Mr. Sanchez.

                “Dad, di ba sinabi ko na naman sa inyo na darating din tayo sa ganyan” parang walang interes na pagrereklamo ni Gerald sa kanyang ama.

                “Yes son you told me…” saad ng matanda bago seryosong tumingin kay Gerald “Tell me son, are you a gay?”

                Napahampas si Gerald sa lamesa at saka napahilamos sa mukha. Maya-maya ay napatawa ang binata ng pagak. “Dad naman. Sa gwapong ito ng inyong anak magiging bakla lang” reklamo ni Gerald sa kanyang ama at saka umiiling na nagsalita “You know I’m not a gay dad. I am just waiting to see the right girl for me. When I find her, ipapakilala ko siya kaagad sa inyo” desididong sabi ng binata

                “Better make it fast hijo bago ako maniwala sa mga sabi-sabing bading ka nga”

                “Dad!” gulat na sabi ni Gerald na halata ang pagkadismaya sa boses.

                “I am just telling the truth hijo. Kaya better to find that girl fast”

                Napabuntong-hininga na lang si Gerald bago nagpaalam sa kanyang ama. Naiinis si Gerald sa mga tumatawag sa kanyang bading. Ganoon ba siya kailap sa mga babae para tawagin nang ganoon? Mayroon lang siyang sariling opinyon pagdating sa babaeng magpapatibok ng kanyang puso at di naman siya nagmamadali. Pero sa kanyang ama mukhang kailangan niyang mahanap kaagad ang babaeng iyon. Napabuga na lang ng hangin ang binata bago pumasok sa kanyang opisina.

                Dalawang lingo na ang nakakalipas at para kay Badette ay parang napakalungkot ng mundo. Hindi niya magawang tumawa o kaya ay ngumiti man lang. Kahit ang tinig niya ay hindi madinig dahil hindi siya nagsasalita. Wala siyang ganang makipag-usap sa mga tao sa kanyang paligid. Kahit ang kanyang ama ay di niya kinakausap. Sign language lang ang kanyang ginagawang pagkausap dito.

                Araw araw lang siyang nasa kwarto at nagkukulong at sa gabi naman ay palagi siyang naglalasing sa may hardin. Papagalitan siya ng kanyang ama dahil sa kanyang pag-inom ngunit di siya magawang pigilan nito dahil nagwawala siya o kaya ay patakas siyang naglalasing. Iiyak na lamang siya ng iiyak kung saan man siya abutan ng mga mapapait at masasakit na ala-ala. Mamaya-maya ay lalapitan siya ng kanyang ama o kaya ay ng kanilang mga katulong at aaluin.

                Isang araw ay nagising na lang si Badette na nagsasawa na sa kanyang buhay. Nahihiya na rin siya sa kanyang ama na palaging nagaalala at hindi siya iniiwan. Bigla niyang naisip ang kanilang negosyo. Baka napapabayaan na ito ng kanyang ama dahil sa pagaasikaso sa kanya. Oo alam niya na masyado siyang nasaktan at emosyonal dahil sa nangyari sa kanya ngunit masyado na yata siyang makasarili na pati ang mga tao sa kanyang paligid at nagmamahal sa kanya ay hindi na niya napapansin. Parang di na niya kayang naghihirap ang mga ito ng dahil sa kanya.

                 Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay kaagad siyang bumaba ng hagdan para saluhan ang kanyang ama sa almusal. Pagdating niya sa dining area ay nagulat pa ang kanyang ama ng makita siya. Hindi na lamang niya pinansin ang kanyang ama at umupo na lang sa silyang katabi nito sa hapag-kainan.

                “Anak are you ok now?” nag-aalalang tanong ni Mr. Fernandez sa anak.

                “Yes dad. I think I’m ok now” sagot ni Badette sa ama.

                “Are you sure? Kung hindi mo pa kaya ok lang naman anak kahit huwag ka munang pumasok sa trabaho. Naiintindihan naman kita anak” sabi ng matanda sa sinserong boses.

                “Dad I’m ok! I think kaya ko na pong magtrabaho” maikling sagot ni Badette at saka nagsimulang kumain. Binigyan lang siya ni Mr. Fernandez ng isang naaawang tingin bago ipinagpatuloy ang pagkain.

                Isang lingo ang lumipas at naging efficient naman si Badette sa kanyang trabaho. Katulad ng dati ay maayos ang daloy ng kanilang sales pagdating sa kanilang mga produktong cosmetics. Binabati siya ng lahat dahil sa mahusay na trabaho as vice president ng kompanya ngunit di man lang niya magawang bigyan ng ngiti ang mga ito. Everyone in the company see her now as a manequin, no emotion just stiff.

                Araw-araw ay nagpapakabusy si Badette sa kanyang trabaho. Para bang sa pagbababad niya sa kanyang trabaho ay nakakalimutan niya ang lahat ng ala-ala ni Angelo. Wala ng laman ang kanyang utak kundi trabaho! Trabaho! At trabaho!

                Kasalukuyan siyang nagbabasa ng mga papeles para sa bagong proposal ng product na kanilang ilalaunch next month. Nakakaramdam siya ng sakit ng ulo marahil na rin sa ilang araw na pagpapagod sa trabaho pero ayaw pa niyang tigilan ang pagbabasa sa mga papeles dahil interesado siya sa mga bagong ideas sa shades ng mga eyeshadows. Sa pananaw kasi niya ay magiging mabenta ang mga bagong eyeshadows sa Mercado.

                Gusto niyang makausap ang kanyang ama tungkol sa bagong proposal ng eyeshadow kaya agad siyang tumayo sa kanyang mesa at tinungo ang pintuan ng kanyang opisina para kausapin ang kanyang ama sa opisina nito.

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon