Chapter Three

5.2K 94 4
                                    

Several years ago...

Kanina pa minamanmanan ni Elise ang dalawang kaklase niya na nagtatalo sa likod ng building ng school nila. Sumasakit na rin ang mga mata ni Elise sa kakasilip sa mga ito sa binoculars na hawak niya. Kung hindi lang makakasira sa plano nila ay susugurin na niya ang dalawa at pag-uumpugin para matauhan. Ngunit nawala ang iritasyon ni Elise nang may humihingal na lalaking dumating sa kuwartong kinaroroonan niya.

He had white wings on his back, golden blond wavy hair, and he was wearing a white cloth na hindi kayang itago ang mga assets nito sa katawan dahil maliit na tela lang iyon na ginawa niyang damit nito. His name was Clint. Pinagmukha niya itong Cupid para may mahikayat silang sumali sa club nila.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Elise sa lalaki.

"Girls are chasing me."

Napanganga si Elise sa sinabi nito. Hindi naman kasi iyon kasama sa plano nila.

"You're supposed to do the chasing not the other way around," sabi niya.

"Alam ko. Pero ayos na rin iyon dahil hindi na tayo mahihirapang kumuha ng members ngayon."

Lumapit si Clint sa kanya at ibinaba ang bow at fake arrows na pinaghirapan niyang gawin para maging props nito. He was supposed to pick students whom he thought were qualified to become members of their club. He would give them an arrow as a sign of invitation. Pero dahil sa hitsura nitong mukhang anghel na pinababa mula sa langit ay hindi nakapagtatakang pinagkaguluhan ito ng mga tao. Kaya lang, kung dudumugin naman sila ng mga babaeng humahabol dito, malamang na maging fans club lang nito ang club kung saan sila kabilang.

Students were required to join at least two clubs in their school. Bukod sa club ng mismong mga kurso nila ay pareho sila ni Clint na miyembro ng psychology club. Ngunit walang masyadong interesado sa club nila dahil ang akala ng mga ito ay puro pagbabasa lang ang inaatupag doon. Pero nang minsang may maisipang gawin si Elise during Valentine's Day ay hindi niya inaasahang doon siya makakakuha ng ideya kung paano mapapasikat ang kanilang club kahit na sabihing iilan na lang silang active members doon.

Elise gave love advice to her classmates. Hanggang sa ilang beses niyang napatunayan na accurate ang mga ibinibigay niyang mga payo kaya nag-offer na rin siya ng tulong kung paano makaka-date ng mga kaklase niya ang taong gusto ng mga ito. She just didn't expect Clint to join their club and be her partner.

Unang kita pa lang ni Elise kay Clint noong enrollment ay sinundan na talaga niya ito ng tingin. Pinauna pa nga niya ang babaeng kasunod niya sa pila para lang masilayan pa nang matagal si Clint. Pero tulad niya ay ayaw ring umalis agad ng babaeng kasunod niya sa pila dahil tila hindi rin ito makapaniwala sa nakikita nila. Iyon na yata ang pinakamasayang enrollment na inasikaso niya. Lalo na nang malaman niyang halos kaedad lang niya si Clint at may posibilidad pa na maging kaklase niya ito sa ibang subjects.

Pero madalas na tahimik lang si Clint at bihira lang ang mga taong kumakausap dito. Foreigner na foreigner kasi ang dating nito. Kung hindi pa sa semi-interview na ginagawa ng ibang professors nila noong unang linggo ng panibagong semestre ay wala silang malalaman tungkol kay Clint. Nakontento na lang tuloy si Elise sa pagtitig kay Clint mula sa malayo. Hanggang sa isang araw ay naligaw si Clint sa booth ni Elise at bumunot ito ng nakarolyong papel mula sa fish bowl na may mga nakasulat na quotations.

"Do I have to believe this crap?" nakangiting tanong ni Clint na ikinakunot-noo niya.

Nang makita niya itong papalapit ay hindi na siya napakali sa kinauupuan niya dahil hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan.

Pero nawala ang kaba ni Elise nang sabihin nito iyon sa kanya.

"N-nasa sa 'yo iyan," tugon niya kahit na medyo nahihiya pa rin dito. She knew he could understand her language dahil nalaman niyang Filipina ang nanay nito mula na rin sa isa sa mga professors niya. Nakita rin ni Elise na nag-uusap si Clint at ang ina nito sa isang fast food malapit sa eskuwelahan nila kaya sigurado siyang marunong itong mag-Tagalog.

Cupid's TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon