Hinihilot ni Clint ang batok niya habang papasok sa study room. Tulad ng dati ay gabi na naman siya nakauwi dahil sa trabaho. Ngunit mas ginabi si Clint dahil sa mansiyon pa nila siya umuwi para saluhan ang pamilya niya na minsan sa isang linggo lang niya kung makasama.
"Ba't ngayon ka lang?" tanong agad sa kanya ng kanyang ama.
"Traffic," simpleng sagot niya.
"We're supposed to meet at seven o'clock but you're more than an hour late and that's your only excuse?"
Kagagaling lang ni Clint at ng architectural team niya sa Antipolo kung saan ipinatatayo ang eskuwelahang pag-aari ng kanyang ama. Isa ito sa mga big clients nila.
"Galing kami sa site, okay?"
"Is that how you treat your clients? If so, I should've hired the services of another firm to handle my project."
Naningkit ang mga mata ni Clint sa sinabi ng kanyang ama. Kung tutuusin ay wala namang kinalaman sa business ang pagkikita nila ngayon pero nagrereklamo ito para magpapansin sa kanya. At kahit kliyente nila ang kanyang ama, puwede pa rin niyang ipasa sa iba ang proyekto nito. Ito naman ang kusang lumapit sa kanila para kunin ang kanilang serbisyo.
Nakilala ang architectural firm na pinagtatrabahuhan ni Clint dahil sa isang hotel na pinaganda at inayos ng kompanya nila. Baguhan pa lang si Clint noon at nasa kalagitnaan na ang proyektong iyon nang matanggap siya sa kompanya. Dahil sa maayos na pagpaplano at sa ganda ng kinalabasan ng lugar ay nagsimula iyong dumugin at pag-usapan ng mga tao.
Their firm soon became credited with the design of several iconic buildings. And since they were featured as the people behind those establishments, clients poured in to hire their services. Isa sa mga lumapit sa kanila ay ang kanyang ama.
Their first meeting was supposed to be about pure business. Pero unang kita pa lang ni Clint rito ay kinutuban na siya na maaaring ito ang kanyang ama. He grew up not having a father and he hated him then. Bihira nilang pag-usapan ng kanyang ina ang tungkol dito. Lumaki si Clint at nakapagtapos ng pag-aaral na hindi nakikilala ang kanyang ama.
Ang kanyang ama, si Felix Ross, ay may-ari ng isa sa mga sikat at malalaking bangko sa bansa—ang Emerald's Bank. Minana iyon ni Felix mula sa mga magulang nito. Nagpaliwanag si Felix kay Clint at sa kanyang ina kung bakit sila nagawang iwan nito. Ipinagkasundo noon si Felix ng mga magulang nito sa anak ng kaibigan ng pamilya Ross. Walang magawa si Felix dahil kung tatanggi ito ay tatanggalan ito ng mana at kung mangyayari iyon ay hindi rin ito makakakuha agad ng ibang trabaho dahil sadyang maimpluwensiya ang mga magulang nito.
Pinili ni Felix na maikasal sa babaeng hindi nito mahal para mailihim ang tungkol sa kanilang mag-ina. Dahil kung malalaman ng mga magulang ni Felix ang totoo ay hindi rin sila titigilan ng mga iyon. Baka nga paghiwalayin pa silang mag-ina kung sakaling nalaman ng mga ito ang existence ni Clint sa mundo.
Nang maghiwalay si Felix at ang napangasawa nito ay hinanap sila ni Felix para humingi ng tawad. Hindi na sana gustong makausap ni Clint ang kanyang ama, pero dahil madali rin itong napatawad ng kanyang ina ay sumuko na rin siya. Ang akala ni Clint ay mahihirapan siyang mag-adjust dahil sanay siyang silang dalawa lang ng kanyang ina ang magkasama ngunit madali naman niyang nakasundo ang kanyang ama maging ang anak nito sa ex-wife nito.
"Dad, tigilan mo na ang pang-aasar kay Kuya. Kakain na raw tayo, halika na," sabad ng half sister niyang si Acky. Hinila nito ang kanilang ama sa isang braso para mapalabas ito ng kuwarto.
"But I am his client!" giit ng kanilang ama.
"Not in this place, especially not at this moment," aniya habang inaayos ang mga gamit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/137357585-288-k670342.jpg)
BINABASA MO ANG
Cupid's Trick
RomanceCollege buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na...