Chapter Nine

4.3K 95 3
                                    

Unang kita pa lang ni Doña Eclaire sa ipinakilalang nobya ng kanyang anak ay malaki na ang disgusto niya sa babae. Nag-iisang anak niya si Danny at gusto niyang makilatis muna ang babaeng mapapangasawa nito bago lumagay ang mga ito sa tahimik. Ngunit nagulat na lang si Doña Eclaire nang ipakilala sa kanya ni Danny si Elise, not just as his girlfriend but as his fiancée!

Base sa mga kilos ni Elise ay mukha naman itong mahiyain at kiming babae. Pero dahil iilang impormasyon lang ang alam ni Doña Eclaire tungkol kay Elise ay maraming katanungang gumugulo sa isip niya.

Sinubukan ni Doña Eclaire na suhulan ng pera si Elise para masiguro kung matino nga ba itong babae pero ganoon na lang ang gulat niya nang sagut-sagutin siya ni Elise. Dahil doon ay ninais na ni Doña Eclaire na paimbestigahan si Elise at alamin kung ano-ano pa ang mga itinatago nitong sekreto. Doña Eclaire was about to make a move to separate Elise from Danny when a guy approached her as soon as Elise left the restaurant. Mukhang kilala nito si Elise.

"You must be her supposed to be future mother-in-law," sabi nito.

Guwapo ang lalaki at mukhang anghel, pero gaya ng ginawa niya nang ipakilala sa kanya si Elise ay tinaasan niya ito ng isang kilay at tinarayan. Hindi siya basta-basta nadadala sa panlabas na anyo.

"And you are?"

"I'm just a stranger who would like to help you out with your problems."

"Paano mo naman nalaman na may problema ako?"

"I just happen to overhear everything."

Pinagmasdan niyang mabuti ang lalaki at sinuri kung mapagkakatiwalaan ba ito o hindi. "Ano naman ang maitutulong mo kung sakali?"

"I can break them apart if you like."

"Sigurado kang kaya mo?" hamon ni Doña Eclaire bagaman mukha talagang kaya nitong magpaikot ng babae kung gugustuhin nito. Hindi lang ito guwapo, mukhang edukado rin ito at may-sinasabi sa buhay.

"Yes, Ma'am. May hihingin lang sana akong pabor kung papayag ka."

Natawa si Doña Eclaire at napailing. "I knew it. May hihingin kang kapalit. I just hope I can afford it this time."

"Don't worry, I'm not going to ask you to pay me. Ang gusto ko lang ay hayaan ninyo akong dumiskarteng mag-isa. Let me handle this for a month. If you haven't heard anything from me after that, then I'll let you take over."

"Hmm, not a bad offer. But tell me. Why do you want to help me? May galit ka rin ba kay Elise?"

"Ma'am, I have my own reasons but if you must really know, gusto kong pagbayaran niya ang mga panahong nasayang ko nang dahil sa kanya."

Napangiti si Doña Eclaire sa sinabi ng lalaki. Hindi man niya matukoy kung ano talaga ang atraso ni Elise dito ay masaya na siya sa kaalamang may maitutulong ito sa kanya. Pagbibigyan niya ito. She would let him handle the situation for her.

"I still don't trust you, but since you seem to hate her as much as I do, I'll take your offer. What's your name?"

"Just think of me as 'Cupid.' "

Mukhang tulad ni Doña Eclaire ay walang tiwala sa kanya ang lalaki. Pero ibinigay ni Doña Eclaire ang numero niya bago umalis sa lugar na iyon. Desidido siyang paghiwalayin sina Danny at Elise kaya sumugal siya at nakipagkasundo sa isang estranghero. Nang pasubaybayan niya si Elise ay hindi niya akalaing tototohanin ng lalaki ang sinabi nito.

Elise was the kind of woman most men would love to look at or even adore, but for her, she was a threat. Para kasing hindi seryoso si Elise sa mga naging karelasyon nito kahit pa sabihing may mga dahilan ang babae kung bakit ito nakipaghiwalay sa mga iyon. She was a beautiful woman and yet no man seemed to want her. Kung walang mali sa pag-uugali nito, bakit wala itong tumatagal na relasyon?

Cupid's TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon