Chapter Ten

7.2K 191 13
                                    

Nagpa-panic na si Clint. He was already on the verge of insanity because he didn't know what Elise was thinking after their last talk. But he couldn't confront her. He thought that he needed to make her feel that he trusted her with her decisions. His last message to her was "I'll wait for you" along with a blue rose he sent the day after she decided to help Danny first.

His message might appear confident when the truth was he was trembling with fear and doubts. Now he wished he had said more. Ilang beses na siyang nagpigil na puntahan si Elise. Sinermunan na siya ng kapatid niya dahil madalas ay hindi talaga siya kalmado.

"Gusto mo bang magalit si Ate Elise by not keeping your promise?" sabi ni Acky sa kanya.

"Ayoko."

"Then stay still and be patient!"

Animo mas nakatatanda ito sa kanya nang bulyawan siya nito.

Lumipas ang ilang araw na hindi pa rin alam ni Clint kung ano na ang nangyari kay Elise. Hindi na talaga siya mapakali dahil hindi siya sanay na hindi nalalaman ang sitwasyon nito. But he couldn't do anything but wait. And waiting was always a torture for him.

The next morning, Clint felt drained. He couldn't even think of a reason why he should get up early. Tamad na tamad siyang bumangon. Kung hindi pa niya nakita ang white card na nakapatong sa katabing mesita ng kama niya ay hindi pa siya tuluyang magigising.

It was the note he gave to Elise. Hindi niya natatandaang inilagay niya iyon sa kuwarto niya. Nang kunin iyon ni Clint ay nabasa niya ang sulat-kamay ni Elise na tila sumasagot sa huling sinabi niya rito.

You don't have to. Iyon ang nakalagay roon kaya nagmamadali siyang bumangon at nagdesisyong puntahan na si Elise.



Maingay sa fashion show kung saan isa si Elise sa mga fashion designers na nagpakita ng mga bago niyang creations. Katatapos lang rumampa ng mga modelo. At hindi lamang mga may-ari ng specialty boutiques, wholesalers, o individual customers ang dumalo roon, maging ang ilang mga kilalang tao sa show business ay imbitado rin.

Although many people were congratulating Elise, she really wanted the party to end. Gusto niyang matapos na ang event para mapuntahan na niya si Clint at magkausap na silang dalawa. Kung may dahilan man kung bakit hindi niya magawang umalis doon ay dahil may ilang tao siyang dapat kausapin at pasalamatan nang personal. One of them was Mrs. Desiree Sandoval.

Kaibigan na ang turing ni Elise kay Mrs. Sandoval. Ito ang may-ari ng boutique na pinagtatrabahuhan niya bilang freelance fashion designer. Bukod kasi sa naging unang kliyente niya si Mrs. Sandoval ay paborito rin nito ang mga gawa niya. Nag-uusap sila ni Mrs. Sandoval nang biglang natahimik ang lahat. Ang unang naisip ni Elise ay baka may kaguluhang nagaganap kaya nakuha ang atensiyon ng mga tao. Paglingon ni Elise ay sa iisang direksiyon lang pala nakatingin ang halos lahat ng bisita.

It was understandable why such phenomenon would happen. Who wouldn't pause and look at the man who was wearing the white suit she personally made? Kaya natahimik ang lahat ay dahil sa hitsura ni Clint. He seemed to be searching for someone and she could hear the girls giggling until Clint finally looked at her direction. Elise saw him smile before walking towards her. Ngunit bago pa man siya tuluyang malapitan ni Clint ay may ilang taga-media nang lumapit dito. Ang isa sa mga iyon ay kakilala pa niya.

"Hi! May I know your name, please?"

"Are you a model? Or an actor maybe?"

"From which country are you from?"

Halatang-halata na naiilang si Clint sa mga taong lumapit dito. Elise knew he hated that type of crowd. Clint often preferred to ignore them if he could. Kaya nga binalak na lang ni Elise na tapusin ang event na iyon bago pa man niya ito kausapin dahil sigurado siyang pagkakaguluhan si Clint ng mga luka-lukang kakilala niya. Ngunit naroon na ito sa ganoong sitwasyon at nahihiya rin siguro itong magsuplado kaya napilitan itong sumagot.

Cupid's TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon