Chapter Eight

4.2K 106 3
                                    

Alam ni Danny ang dahilan kung bakit hanggang maaari ay hindi nagpapakuha ng litrato si Elise. She avoided having pictures with different guys because it wouldn't look good for her image as a fashion designer. Kaya nga daig pa ni Danny ang nakakita ng scandal ni Elise habang nagkukuwento ito ng tungkol sa larawan ni Elise.

"Oh, my God! Oh. My God! I can't believe it. It's rare for me to see your face on any newspaper, on a magazine page, or even on TV. Yet only my mother managed to become your paparazzi? That is so weird, my dear."

Nagkita si Elise at Danny para pumunta sa isang bar at doon balak ni Elise na magpalipas ng sama ng loob. Mababaliw siya kung wala siyang mapagsasabihan ng mga nangyari sa kanya. Nagpadala na lang siya ng simpleng mensahe kay Clint. She congratulated him for finally getting the woman he loved. Biniro din niya si Clint na puwede na siya nitong bayaran nang buo dahil tapos na ang serbisyo niya rito. Pagkatapos ay pinatay ni Elise ang cell phone niya dahil ayaw niya ng sino mang istorbo.

"Imagine my surprise when my mother told me you're dating someone else. And I saw the proof na magkasama nga kayo ni Clint. I can't believe you dated this guy! I am so outdated. And did I say I was shocked? Hindi ko alam kung paano aarte sa harap ni mudra. God! Am I your friend or what? Sa susunod, kung gagawa ka ng krimen, sabihan mo naman ako at nang hindi ako nabibigla. Kaloka ka!"

"Shut up...," napipikong sabi ni Elise pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan niya. Inunahan na rin niya si Danny sa paglabas. Dire-diretso siyang pumasok sa bar. Base sa mga larawang nakita ni Danny ay alam na niya kung kailan nangyari ang mga iyon. Mukhang tama nga si Clint na may sumusunod sa kanila habang magkasama sila sa mall. Hindi rin magugulat si Elise kung gagawin nga iyon ng nanay ni Danny. But she didn't give a damn anymore.

Kaunti lang ang tao pagpasok ni Elise at Danny sa loob. Pumuwesto sila sa tapat ng bar dahil plano ni Elise na laklakin ang lahat ng alak na kaya niyang ubusin. Gusto niyang maranasan na malasing kahit na imposibleng mangyari iyon dahil mataas talaga ang alcohol tolerance niya.

"So, ano na? It's your time to shine. Tell me all the details," pangungulit agad ni Danny nang maibigay nila ang order nila. Nagkuwento naman si Elise tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Clint. Pero mas naging emosyonal na si Elise nang aminin niya kay Danny ang mga katangahang ginawa niya. Pagdating ng order nila ay inisang-lagok agad ni Elise ang alak na nasa baso. Namanhid na yata si Elise dahil ni hindi man lang niya ininda ang pait niyon at tuluy-tuloy lang siya sa pagkukuwento habang nagsasalin ng inumin.

"I knew the possibility that we could be lovers never occurred to him. Matagal ko nang alam iyon. Ako lang itong tanga na umasa at nag-ilusyon pa rin na kahit paano ay magugustuhan din niya ako."

Inabutan siya ni Danny ng tissue paper habang nakikinig sa mga sentimyento niya. Tuluy-tuloy rin ang pagpatak ng mga luha ni Elise.

"But you know what? I really tried dating other men because I thought I could move on, that I could find another guy, someone better than Clint, and who was right for me. I even came to a point that I thought I was being choosy. At kahit hindi pa siguro nakialam si Clint, alam kong iisang lalaki pa rin ang gusto ko. Hindi ko lang iyon matanggap agad! And when I finally decided to make him fall for me, it was already too late. I know it sounds pathetic, but I am hopeless, right? So I have an excuse."

Tinakpan ni Elise ng kanyang mga palad ang kanyang mukha, pagkatapos ay sumubsob siya sa bar. Humahagulhol na siya ng iyak. Mabuti na lang at malakas ang music at nasa gilid lang sila, kung hindi ay malamang na pinagkaguluhan na siya ng mga usisero.

Siguro, kung hindi na nagpakita pa si Clint at kung hindi nagdesisyon si Elise na tulungan ito, malamang na normal pa rin ang buhay ni Elise. Ngunit kung hindi nga sila muling nagkita, hindi pa magigising sa katotohanan si Elise. Sometimes pain and happiness came hand in hand. Hindi puwedeng hindi dahil sabi nga sa isang quote: "The one who can make us smile also has the power to make us cry."

Cupid's TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon