Nag-set ng meeting sina Elise at Clint para mapagplanuhan na agad nila ang gagawin sa love life ng binata. Laking pasalamat ni Elise at hindi si Clint mismo ang sumundo sa kanya. Kung hindi ay baka magtaka si Clint sa ikinikilos niya. Lumilipad kasi ang isip ni Elise habang nasa loob ng sasakyan. At kahit inalalayan siya ng tauhan ni Clint upang makasakay siya sa chopper ay hindi nagawang ma-impress man lang ni Elise dahil wala pa rin siya sa tamang huwisyo. Abala siya sa pag-murder kay Clint sa isip niya.
She already reminded herself that she was supposed to be a heartless bitch. Hindi dapat siya nakakaramdam ng kung anu-ano. Pero hindi pa rin talaga niya maiwasang maasar kay Clint, lalo na at tila ipinamumukha na naman ni Clint sa kanya na hindi talaga siya ang babaeng gusto nito. Of all the code names he could give to the woman he liked, bakit "Psyche" pa? Nananadya ba talaga ito?
But Elise knew he didn't know about that part of their past. Kaya nga tila napakasaya pa ni Clint nang sabihin nito iyon sa kanya.
"Nakaraan na iyon, Elise. Past is past," bulong ni Elise sa sarili. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang kanyang kalooban.
Paglapag ng chopper ay nalula si Elise sa laki ng tirahan ni Clint. Doon na siya tila nahimasmasan, lalo na nang makita niya ang malawak na garden. May iba't ibang bulaklak na nakatanim doon at may ilang statues din ng mga anghel. Nakapila na rin ang mga katulong sa tapat ng pintuan at sabay-sabay na binati si Elise ng mga ito.
Namamangha pa rin si Elise habang tumitingin sa paligid. Hindi niya inaasahan na sobrang yaman na pala ni Clint. The mansion looked old but it had maintained its sophistication. Every painting on the wall and every furniture placed on every corner was a rare piece. Pagpasok ni Elise sa loob ay nakuha agad ang atensiyon niya ng isang boses ng babae.
"Oh, my God! You're really here!" tili ng isang dalagitang may mahabang buhok na abot sa baywang nito at kulay-amber. Mabilis itong bumaba ng hagdan at dali-dali siya nitong nilapitan at kinamayan. "Hi there! My name is 'Acky.' Half sister ako ni Kuya Clint. Your name is 'Elise,' right? I heard from Manang Cecilia that you were coming but I couldn't believe it until I saw you myself."
Napatango na lang si Elise bilang tugon dito. Ang hyper kasi ng babae at hindi rin sigurado si Elise kung ano pa ang dapat niyang sabihin, lalo na at kilala na siya nito.
"Acky, papasukin mo na muna si Ma'am Elise," awat ng may-edad na babaeng na sa hula niya ay si Manang Cecilia.
"Oh, right. Halika, puntahan na lang natin si Kuya para malaman niyang nandito ka na."
Hinatak si Elise ng babae at kinaladkad kung saan. Nang lingunin niya ang mga katulong ay yumukod lang ang mga ito tanda ng pagpapaubaya sa kanya sa amo ng mga ito.
"Kuya, nandito na si Ate Elise," anunsiyo ni Acky sa kapatid nito na may hawak na pana na gawa sa kahoy. It reminded Elise of their past. Iyon nga lang, normal ang suot ni Clint na mga damit ngayon. How she missed to see him with white wings on his back. Ngunit nawala ang iniisip ni Elise nang inis na magsalita si Clint.
"Acky, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag kang mag-practice dito ng archery. Paano kung may matamaan kang tao?"
"Kuya, ang purpose talaga ng archery ay tamaan ang target. And don't worry, iisang tao lang naman ang patatamaan ko kung sakali, eh."
"Huwag kang pilosopo," ani Clint na marahang ipinukpok sa ulo ni Acky ang hawak nito.
Napangiti si Elise sa pag-uusap ng dalawa. Bihira lang niyang makitang magalit si Clint kaya natutuwa siya. He seemed like a loving brother. Mas gusto niya ang ganoong reaksiyon nito kaysa iyong nginingitian siya ni Clint na para bang naaaliw ito sa kanya. Naiilang kasi siya, lalo na at alam niyang may iba itong gusto kaya malamang na inaasar lang siya nito.
BINABASA MO ANG
Cupid's Trick
RomanceCollege buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na...