Pagmulat ng mga mata ni Elise ay mukha agad ni Clint ang nakita niya. She was sure she wasn't dreaming. Pero nang kumunot ang noo ni Clint at nagsimula itong magsalita ay tila gustong kurutin ni Elise ang sarili niya para mapatunayang totoo talaga ang mga naririnig niya.
Pinagagalitan kasi siya ni Clint dahil naabutan siya nitong natutulog sa desk niya. It was two days after she left his mansion and they haven't talked to each other since then.
"Look at you. You're a mess. Hindi ka dapat nagpapakapagod masyado sa trabaho. Kung kailangan mo ng tulong, ba't hindi ka nagsabi sa akin? I'm sure you didn't eat your lunch and maybe you'll also forget dinner. Ano ka ba naman, Elise? Gusto mo bang magkasakit?"
Kung hindi lang makikita sa hitsura ni Clint na mukhang nag-aalala talaga ito at kung hindi malambing ang pagsasalita ng binata ay baka ipinagtabuyan uli ito ni Elise. But she was overwhelmed by his presence, his concern, and how he could express those emotions with so much sincerity. Hindi tuloy nakapag-react agad si Elise at tila natulala na lang siya sa maamong mukha nito na bahagyang iritado.
Sumandal si Elise sa kanyang silya. "I'm sorry. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Malapit na kasi ang fashion show namin kaya subsob ako sa trabaho," paliwanag niya rito kahit parang hindi naman niya dapat ginagawa iyon. "Kumain ka na ba?"
Hindi sinagot ni Clint ang tanong ni Elise. Inilapag at inihain na lang ni Clint ang dala nitong mga pagkain. Walang nagsasalita sa kanila habang kumakain sila pero panay naman ang asikaso ng binata sa kanya. Kahit nakakailang ang ginagawa ni Clint ay nagugustuhan iyon ni Elise. Bukod sa pagod si Elise ay hindi rin niya alam kung paano aakto sa harap ni Clint at kung ano ang dapat sabihin dito. Kaya ayos na rin sa kanya na hindi muna sila nag-iimikan.
She was busy the whole day doing a new set of design para sa fashion show kung saan kasali siya. Namimili na siya ng telang gagamitin niya nang bulabugin siya kanina ni Clint sa telepono.
There was only one reason why a guy in love could be in panic. At iyon ay dahil hindi nagpaparamdam ang babaeng mahal nito. Kaya naiintindihan ni Elise kung bakit bigla ang pagtawag ni Clint sa kanya. Ang hindi lang matanggap ni Elise ay bukod sa hindi na nga siya ang babaeng mahal nito, kung kausapin pa siya nito ay tila 911 ang tinawagan nito at lagi siyang handa para tulungan ito.
"Bakit ganoon? Ba't hindi siya nagpaparamdam sa akin?" he asked in a panicky voice.
"Have you tried calling her?"
"Yes, kaso parang wrong timing ang tawag ko, eh," tila batang pag-amin nito sa kasalanan nito.
"Well, hindi mo ba naisip na malamang may inaasikaso siyang importanteng bagay kaya ayaw niyang paistorbo?" At sana lang makahalata naman si Clint na iyon din ang dapat gawin nito sa kanya.
"But I miss her."
Naantig si Elise sa sinabi ni Clint. Hindi na niya gustong mag-ilusyon na sana siya ang tinutukoy nito, pero minsan ay hindi niya talaga iyon mapigilan.
"Then tell her that!" bulyaw na lang ni Elise para pagtakpan ang nararamdamang inis.
"I did. Kaso... galit pa rin, eh."
Hay, naku, Clint, ano ba'ng gagawin ko sa 'yo?
"Punta tayo ng mall," biglang yaya ni Clint nang hindi siya sumagot agad. Hindi man lang nito itinanong kung may ginagawa siya o kung nakakaistorbo ba ito sa kanya.
"Ano nama'ng gagawin natin doon?"
"We'll buy her a gift para may rason akong magpakita uli sa kanya."
BINABASA MO ANG
Cupid's Trick
Lãng mạnCollege buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na...