Addy's POV
Marahan at magaan kong ipinahid ang nail polish sa kuko ko .seryosong seryoso kong pinahid yun .ayoko ng may lampas. Gusto ko pantay at pulido. Muli kong sinawsaw sa maliit na bote at pinahid kong muli para makapal.
"Ang pangit naman nan! Wala ka talagang ka taste taste ! Paltan mo ang kulay ang sakit sa mata!"
Tumigil ako sa ginagawa at sinamaan ng tingin ang bestfriend ko. Tapos na sya at kasalukuyan ng hinihihipan ang mga daliri para matuyo ang nail polish.
"Mind your own business okay? Duh! Sa tingin mo kinaganda mo na yang color red na yan?"
Panlalait ko sa mga kuko nya.pero kitang kita ko naman na bumagay talaga iyon sa kuko nya na mahaba pero hugis box kaya lalong nagpaganda sa kamay nya .kumpara sakin na mala kandila. Mahahaba ang daliri ko kaya hindi ko na kailangang pahabain ang kuko ko. Tama lang ang tabas nun.pantay sa daliri. At mas lalong nangibabaw ang pagkaputi ng kamay ko dahil sa color yellow na kinulay ko.
Anyways , ako nga pala si Maica Addysson Chan.maddy, mads or Addy for short. I am half Chinese .my mother is a filipino and obviously my father is a pure blooded Chinese. 19 years old and sad to say 4th year highschool pa din ako.
Why?
Ewan ko ba . wala na kong kagana gana mag aral. Nakakatamad na. Simula nung mamatay ang mommy ko dahil sa tumor. I was 16 years old then. At mas tinamad ako mula ng mag asawa ulit si daddy . isa ding Chinesse. Pakiramdam ko naitsapwera na ko. Kahit ng nabubuhay si mommy madalang na kami magkita ni dad.
Twice a month lang ata kami magkita dahil sa mga business trip nya.lalo na ng mamatay si mommy halos hindi na talaga kami nagkikita.
Natawag sya minsan kakamustahin ang pag aaral ko at sesermunan sa mababalitaan nya. Taon taon ganon kaya hanggang ngayon highschool pa din ako at kilalang kilala na ko sa buong school na to.
Top 1 ako palagi noon. Pero sa isang iglap top 1 pa din naman ako sa kalokohan nga lang with my bestfriend. Si elly . mas matanda ako ng isang taon sa kanya. May sarili rin syang dahilan kung bakit umulit din sya ng 4th year kaya naman naabutan nya pa din ako.
Nakakapang hinayang sa iba dahil ito na sana ang huling taon pero nagawa pa din naming patagalin .
Palagi kaming laman ng guidance office. Dahil sa madalas kaming absent ni elly dahil nag gagala lang kami at tumatambay sa kung saan .minsan naman pumapasok nga kami pero lagi naman kami tulog at naghahatid ng gulo sa classroom.
Tulad ngayon. Math time namin kaya naman nag cutting na lang kami ni elly dahil ayaw na ayaw nya ng subject na iyon kesa naman daw makatulog sya kaya naman eto kami sa likod ng gymnasium at abala sa paglalagay ng nail polish sa mga kuko namin.
"Ok! Done !"
Itinapon ko na lang sa kung saan ang bote pagkatapos ko.at dahan dahang winagayway ang mga daliri ko para matuyo agad.
"Iww!! Para kang kumalkal ng tae addy!"
Maarteng sita na naman sakin ng babaeng to. Feel na feel nya ang kuko nyang pulang pula.
"Oo kumalkal ako ng tae at kakalkal pa ko! Kaya lumayo ka sakin at baka makalkal ka "
Halos mapanganga naman sya dahil sa sinabi ko. Nakakatawa ang itsura nya halos manlaki ang mata nya.kaya napahagalpak na lang ako ng tawa.
"Nakakadiri ka! Tara na nga sa mall ! Ililibre mo pa ko!"
Napipikong nauna na sya sakin .tatawa tawa naman akong sinakbit ang bag sa balikat ko bago sumunod sa kanya.
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...