CHAPTER 12

4 1 0
                                    

Addy's POV

Masakit ang katawan ko kinaumagahan. Pakiramdam ko nakipag boxing ako sa sobrang sakit nahirapan ako tumayo at gumalaw pero tiniis ko. Sigurado akong dahil ito sa pag swimming namin kagabi.

Naligo ako at pagkabihis ko ay nag ayos ako ng sarili ko bago bumaba.

Tulog pa ba sila?

Anong oras na ba? Pagtingin ko sa wallclock ay napamulagat ako ng makitang alas diyes na ng umaga. Nakita ko si elly na nagbabasa ng libro at si Alvie naman ay kakapasok lang galing sa labas hinatid nya na siguro ang dalawa.

"Elly ,bakit di mo ko ginigising .tanghali na pala" sabi ko habang naupo sa tabi nya

"Wala namang pasok .tsaka ang sarap pa daw ng tulog mo sabi ni ku-"

"Ellvirah , manunuod ako ng tv dun ka sa kwarto mo mag aral." Putol ni alvie sa sinasabi ni erah napakunot noo na lang ako.

"Ano ba yan kuya , kainis ka naman." padabog na tumayo si elly at binitbit ang mga gamit nya paakyat sa kwarto nito.

Hindi ako makatayo agad ,masakit talaga ang katawan ko. Pano ba to?

Binuksan nya ang tv pero umalis ulit.
Napailing na lang ako ang wierd talaga nya.pinilit kong buhatin ang sarili ko makatayo pero napaupo lang ulit ako ng marinig ko ang boses nya.dahil sa gulat akala ko umalis na sya?

"Eat your breakfast .may gamot dito sa sakit ng katawan."


Saka ko lang napansin ang tray na hawak nya. Nagtama ang paningin namin. Napalunok ako nang bigla syang naglakad palapit sa akin at binaba ang tray sa lamesa sa harap ko.

Fried rice ,ham at dalawang piraso ng tuna sandwich na may kasamang binalatang orange sa tabi nun ay isang baso ng tubig at isang baso ng orange juice at isang tableta na sinasabi nya atang gamot sa sakit ng katawan.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nagpalipat lipat ang tingin sa pagkain at sa mukha nya.

Sya ba gumawa nito? Pinaghanda nya talaga ko? Alam din nyang masakit katawan ko.

Naiilang na hinawakan ko na ang kutsara at tinidor para kumain. Sya naman ay lumayo sa akin at tinuon ang atensyon sa tv.

Hinayaan ko ng mag rambulan ang mga daga sa dibdib ko dahil wala ata ako magagawa para matigil iyon.

Ilang minuto pa ay natapos ko na ang pagkain. Tatayo na sana ako pero tumayo si alvie at kinuha ang pinagkainan ko bago dinala sa kusina. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi ngumiti.

Nung isang araw halos hindi nya ko pinapansin. Tapos ngayon naman kung pagsilbihan nya ko daig ko pa baldado.

"Next time wag mo na ulit yayakapin si joe"

Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang boses nya .naupo sya sa pwesto nya kanina habang nakatingin sa tv.

"What? I never hug him" sagot ko.

Naging seryoso ang mukha nya pero hindi nya pa din inaalis ang tingin nya sa pinapanuod nya.

"Kaya pala halos masakal na si joe sa higpit ng yakap mo kagabi"

Napakunot noo ako. Hindi ko niyakap si joe. Kumakapit lang ako sa kanya.

"Kumapit lang ako ,hindi ko sya niyakap tsaka hindi naman nagalit si joe tinuturuan nya ko" paliwanag ko pero parang mas nagdilim ang aura ng mukha nya dahil pinatay nya ang tv at humarap sakin.

I'm Positively YoursWhere stories live. Discover now