Alvie's POV
"Marc Alvie Bermudez please proceed to my office now"
Natigilan ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa bag ko ng marinig ko ang napakalakas na pangalan ko sa speaker ng buong school .once na marinig yun automatic na sa Dean's office ang punta mo dahil sya lang ang maaaring gumamit nun.
Damn! what is it this time?
Padabog na tinuloy ko ang ginagawa ko habang iniisip kung ano na naman ang ginawa nya.
"Pre ,ahm. Una na ko. Ingat pauwe"
Tinanguan ko lang si joe bago nya tinapik ang balikat ko at tuluyan ng umalis .syempre narinig naman ng lahat na hindi na naman ako makakasabay ng uwi sa kanila.
Aware ako sa mga matang nakasunod ng tingin sakin habang naglalakad papunta sa Dean's office.pero ni isa hindi ko pinapansin ,wala kong oras para tingnan man lang sila.
Ahh!
Nakakahiya na talaga ang ginagawa nya.
Ano na naman bang ginawa nya?
Nahuli na naman ba syang tulog? Sinagot na naman ba nya teacher nya? Nambully na naman ba sya?Nakakaasar ka na talaga erah.
Humanda ka sakin pag uwi ko.
Pinakalma ko ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto.naabutan ko ang dean at may kausap itong guard na ubo ng ubo.
"Good afternoon sir."
"Wanna know why he is coughing ?"
Napatingin akong muli sa guard na namumula na kakaubo .
Hindi na ko nag abalang umupo dahil alam kong sasabihin nya lang naman kung ano na naman ang ginawa ni erah ."He caught your sister ..again . nag skip na naman sya sa klase nya .at umuubo sya ngayon dahil binugahan lang naman daw sya ng usok sa motor imbis na tumigil .may hika sya at halos hindi na sya makahinga ng pumunta dito."
Napayuko ako.
She's too much.
"Ano bang problema ng kapatid mo ? Napakaraming beses ko na syang pinagbigyan . tell her that she is suspended for 2 weeks. Talk to your sister and please this is her last warning kung ayaw nya talaga mag aral.mabuti pa sigurong ma expel na yang kapatid mo. Bakit ba ayaw nyang gumaya sayo? Ikaw ang kabaliktaran nya. I really want to talk to your parents pero dahil wala sila ikaw at ikaw lang ang maiipit dito. She's a girl for Pete's sake!"
Napabuntong hininga na lang ako .
"I will talk to her again sir. " lumingon ako sa guard na ngayon ay unti unti ng kumakalma ."I am very sorry from what she done sir."
"Sige na .pwede ka ng umalis"
Tumango ako at tumalikod na .
"Wait! I almost forgot"
Hindi ko natuloy ang balak na pagbukas ko ng pinto at muling humarap kay dean pero nanatili na lang akong nakatayo dun.
"She is not alone doing all those things. Are you familiar with Addyson Chan?"
Addyson Chan?
"No sir"
"Okay ,you can go"
Kaya naman pala malakas ang loob ng kapatid ko magloko dahil may kasama .siguro sya ang dahilan kung bakit nagkakaganon si erah. Bad Influence sya sa kapatid ko. I know how smart she is. Bigla na lang sya nagbago. Isang araw nalaman ko na lang nagloloko na sya hanggang sa hindi sya naka graduate.
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...