Addy's POV
Ilang ulit kong chineck ang sarili ko sa full length mirror na nasa harapan ko. I've never been excited to wear this uniform like this before.
Buti na lang talaga at naisipan kong dalhin lahat ng gamit ko pang school ng maisipan ko maglayas.
Dati tamad na tamad akong isuot ito pero ngayon iba sa pakiramdam ng maisuot ko itong muli.
Nag spray ako ng pabango at nagpahid ng lip tint bago tuluyang bumaba.
Wala na akong naabutan sa sala .mukhang kanina pa nag aantay ang magkapatid sakin sa labas.Habang naglalakad ako ay tanaw ko na ang kotse ni alvie. Sya kasi nag offer na sumabay na lang sa kanya tutal dun din naman punta nya. Bigla akong kinabahan na may halong pagkailang nang bigla syang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto sa tabi ng driver seat?
Mas lalo akong kinabahan sa hindi ko alam na dahilan ng magtama ng paningin namin. Hindi sya nakangiti pero hindi nya inaalis ang tingin sakin hanggang sa makalapit ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil nakakailang na talaga yung mga tingin nya.
"A-ah.. Si elly? " kinakabahang tanong ko
"Nasa loob , sakay na." Seryosong sagot nya.
Oo nga pala ! Bakit kasi tumigil pa ko sa harap nya.
"P-pwede bang sa tabi na ko ni elly maupo?"
"Bakit?"
Napatikhim na lang ako at sumulyap sandali kay elly . nakahiga ang bruha habang naka headset at papikit pikit pa. Lintik na babae to! Alam naman nyang takot ako sa kuya nya.
"W-wala naman."
Ini start nya na ang kotse at seryosong nag drive. Ang gwapo nya sa suot nyang uniform. Naaamoy ko din ang pabangong gamit nya. Lalaking lalaki ang amoy.
Hindi pa din humuhupa ang kaba ko dahil hindi pa din ako makapaniwalang katabi at nakakausap ko na sya ngayon. Umisod ako ng kaunti palayo sa kanya.
Napakatahimik sa loob ng kotse nya.ayoko namang magsalita dahil hindi ako sigurado sa sasabihin ko.
Buti na lang talaga at mabilis sya mag drive ,mabilis na bumaba ako at inantay si elly hindi ko na inantay na pagbuksan pa ko ulit ni alvie .hindi ako sanay sa ganong trato nya.
"Mauuna na ko erah. Magkita na lang tayo mamaya after class. Umayos ka ha."
"Sige kuya "
Kita kong sumulyap pa sya sakin bago tuluyang umalis.
Hindi ko naiwasang hindi tumingin habang naglalakad sya palayo."Wag mo ng titigan ,hindi matutunaw iyon" rinig kong pang aasar sakin ni elly .ngiting ngiti ang bruha. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Ewan ko sayo . talagang pinagtabi mo pa kami,alam mo namang takot ako dun"
"What? Ofcourse not! Nabigla nga ko dun ka sumakay eh. "
"Of course not mukha mo! Nakahiga ka kaya kanina."
"Oo nga ,tagal mo kasi. Inaantay kaya kitang tumabi sakin aayos naman ako ng upo eh.pagtingin ko andun ka na"
Napanganga ako sa sinabi nya. Ibig sabihin si alvie ang gustong sumakay ako dun? Pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko.
"H-halika na nga! bilisan na natin. Baka malate pa tayo." Tanging nasabi ko sa kanya.
"Bakit namumula ka?"
"Hindi ha! Natural yan ! Bilisan mo!"
"Kailangan sumigaw?"
"Bakit? Dapat ba bulong?"
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...