Addy's POV"Wag na lang kaya natin ituloy?"
Sabi ko kay elly habang hinuhubad namin pareho ang helmet namin.
Nandito kami sa parking lot ng St.Jude University .
Napag usapan namin na kakausapin namin si dean. Makikiusap na matapos na sana ang suspension namin at mangangakong magtitino.
Maniwala kaya sa amin si dean?
"Addy ano ka ba ? Napagusapan na natin to diba? .let's go. Let's do this"
Sinakto talaga naming class hour para hindi kami makakuha ng atensyon. Kaya naman nilakasan ko na ang loob ko. Bahala na kung ano mangyari. Taas noo kaming naglakad papasok ni elly.
Nang makatapat kami sa gate ay sinalubong na kami ng campus guard.
Nagkatinginan kami ni elly dahil sya ang guard na ginawan namin ng kalokohan ni elly."Anong ginagawa nyo dito. Suspended pa kayo ah"
"Manong guard , pupunta po kaming Dean's office .importante lang po."
Ilang sandali muna nya kaming tiningnan bago tumawag kay dean kung papapasukin ba kami o hindi . maya maya ay binuksan nya ang gate para makapasok kami.
Pagpasok namin sa office ay naabutan na namin si sir na mukhang inaantay na kami.
"What can i do for both of you?"
"Sir.ahm ..andito po kami para po hilingin na . pumasok na" sagot agad ni elly
"Oo nga po sir. Gusto na po namin pumasok" dagdag ko pa
Isang tawa ang narinig naming sagot sa kanya. Nagkatinginan ulit kami ni elly.
Anong nakakatawa?
Ilang sandali ay inayos nya ang sarili nya at tumingin sa amin muli.
"Seriously? Kayo? Kayong dalawa?"
Nahihiyang yumuko kami at tumango.
"Pinapangako po namin sir . na magbabago na po kami bilang estudyante. Mag aaral na po kaming mabuti.papasok na po kami araw araw at higit po sa lahat hindi na po kami mag i skip ng class."
"Oo nga po sir .hindi na din po kami matutulog sa oras ng klase.hindi na din po kami sasagot sa subject teacher namin.hindi na po kami magpapalate at magpapasa na po kami ng projects on time. Hindi na din po kami mambubully." Seryosong sabi namin ni elly.
Ilang minutong hindi nakaimik si dean at nanatiling nakatingin sa amin.ina absorb nya pang mabuti ang sinabi namin.
"Sir ,kung kailangan pong lumuhod kami. Gagawin po namin maniwala lang po kayo na gusto na naming magbago."
Akmang luluhod na sana ko ng mabilis na pigilan ako ni dean.
"No! ms.chan you don't have to do that . okay .naniniwala na ko sa inyo."
Bumalik sya sa pagkakaupo at pinagkrus ang mga braso. Malawak na napangiti kaming pareho ni elly.
"In one condition. Ipangako nyo din sakin na kaya nyong humabol sa mga lecture na namissed nyo. Patunayan nyong kaya nyong maging top 1 this month at sa susunod pang mga buwan.is that fair enough ms.chan and ms.bermudez?"
Nagkangitian kami ni elly. Hindi kami sigurado kung magagawa namin ang kondisyon nya pero maigi na din iyon dahil pumayag na sya. Kailangan lang naming patunayan na magtitino na talaga kami.
"Yes sir . thankyou po. Hindi po kayo magsisisi." Tuwang tuwang sabi ni elly .
"Okay ,you may go out and pwede na din kayo pumasok bukas."
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...