Addy's POV
"What?! No! No! Ayoko! Ayoko dad ! No please! "
Halos mapuno ang buong kabahayan ng sigaw ko . oo ! Sumisigaw talaga ko habang kausap si dad at kulang na lang magwala ako dito. Nag eecho sa bawat sulok ng bahay ang boses ko kaya sina manang at ang ibang maids ay napatingin sakin.even ang guard sa labas pumasok at tila chineck kung anong nangyayari sakin.
It won't happen.
I never let it happen.
"No addyson, you know my word and it's final.you can't do anything about it anyway"
"I hate you dad! I hate you!"
Nanginginig at naiiyak na pinatay ko na ang tawag. God! Bakit ba ginagawa nya to sakin? Nanghihinang napaupo ako sa sofa.
"Maica. A-ayos ka lang ba hija?"
Napalingon ako kina manang na kanina pa pala nakatingin sa akin.
Umiling ako sa kanila. Kita ko ang awa sa mga tingin nila at alam kong wala silang magagawa .
"I want to be alone ."
Sabay sabay na nila akong tinalikuran. Kung kanina napuno ng sigaw ang buong bahay ngayon naman ay katahimikan at ang tunog lang ng wall clock ang naririnig ko. Bukod sa mabilis na kabog ng dibdib ko.dahil sa takot .
Ang tagal na naming hindi nagkikita .tapos ngayon tatawag sya para sabihin na uuwi na sya para asikasuhin ang kasal ko.
What the fuck?
I hate him ! I hate him so much!
Sana nandidito ngayon si mommy .God! Nababaliw na ba sya?
Akala ko nagbibiro lang sya pero mukhang totoo at desido sya sa sinasabi nya kaya naman halos magwala na ko kanina.Argh!!!
Next month ay uuwi na sya .Nakakainis ! Nakakagalit !
Sana hindi totoo ang sinabi nya. Sana hindi matuloy ang pag uwi nya dahil natatakot ako. I know my dad. I know he is serious in every thing he said kaya natatakot ako sobra .Maya maya'y tumunog ulit ang celphone sa tabi ko at galit na sinagot iyon.
"Wag mo ng ipilit ang gusto mo dad ,ayoko pang makasal.hinding hindi ako magpapakasal ! Kapag tinuloy mo ang binabalak mo magpapakamatay ako-!"
"Wait! wait! Addy? What the hell are you saying? Anong magpapakasal?"
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni elly sa kabilang linya akala ko kasi si daddy.
"Elly. " naiiyak na tawag ko sa kanya.
"O ano na naman bang problema ?"
"Si dad"
"Lagi naman ang dad mo eh. What is it this time?"
Napabuntong hininga ako .hindi ko masabi.parang gusto ko na lang umiyak.
"Hellow? Ano na?"
"I don't want to talk about it here . can we meet? Inom tayo"
"Sure .magkita na lang tayo sa liqour haus"
Isa iyon sa madalas naming tambayan ni elly . isa iyong bar at doon nagagawa namin kahit na ano.
Tumayo ako at kinuha lang ang wallet at susi ng motor ko at umalis na.
Hindi ako nagpaalam kahit na kanino .pero alam kong nakatingin sila sa akin.mabilis na pinaharurot ko ang motor ko papunta sa liqour haus .
Nauna ako kay elly ,pinakita ko ang vip card ko at dumiretsyo na sa sa vip room. Agad na umorder ako ng alak .yung malakas ang tama .pati isang kaha ng sigarilyo.
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...