Addy's POV
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo ha addyson? Tumawag sakin ang dean nyo at sinabi sakin ang kalokohang ginawa mo this time.hindi ka ba nahihiya? Kababae mong tao at higit sa lahat disi nuebe ka na ! Magtino ka naman!"
I just rolled my eyes at hindi ako sumagot kay dad sa kabilang linya. Agang aga tinawagan nya ko para dun .
"2 weeks ang binigay na suspension sayo.Tingin ko dapat may nagbabantay sayo dyan eh. Don't worry uuwi na kami dyan ni Choi Si. Kailangan mo siguro ng ibang taong didisiplina sayo."
"What? No! Wag kayong umuwi dito! Magsama kayo dyan!"
Inis na inis kong tinapos ang tawag .pero ilang minuto lang ay nag ring iyon ulit. Hindi ko sinagot iyon sa halip tinext ko si elly na magkita na lang kami sa mall.Pinatay ko na ang celphone ko at inihagis iyon sa kung saan.
Nakaka asar!
Wag na wag nyang iuuwi dito ang Choi Si nya na iyon. Ang bagong asawa nya.i hate them !Badtrip talaga .
Bumangon na ko at dumiretsyo sa banyo para maligo.pagkatapos ay dali dali akong lumabas .naabutan ko si manang na naglilinis sa sala.
"Sa labas po ako kakain manang ."
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at dire diretsyo na kong sumakay sa motor ko.
Hanggang ngayon talaga ,badtrip pa din ako.after 20 mins ay nakarating na ko sa mall kagaya ko ay kakarating lang din ni elly. At ang ganda ng ngiti nya ha palibhasa ako ang taya ngayon. hindi katulad ko na nakabusangot at kunot ang noo.kasi naman sinira na agad ni dad ang araw ko.
"Problema mo intsik? Wag ka mag alala konti lang naman mababawas sa pera mo" biro nya .
"Baliw ka. Tara munang kumain.di pa ko nakain.
Nag greenwich lang kami dahil iyon ang pinakamalapit sa pwesto namin at tsaka wala ng pili pili gutom na talaga ko.
Pagkapili namin ay naupo kami sa may dulo at inantay na lang ang order namin.
"Kanina pa salubong yang kilay mo ha ,naaalibadbaran ako. Ano bang problema mo? Iisipin ko labag sa loob mong ilibre ako"
Pinilit kong ibahin ang mood ko. "Hindi yun ganon.badtrip si dad eh"
"Hay naku ,yun lang naman ang problema mo eh .ano na naman daw ba?"
"Uuwi na daw sya kasama yung kabit nya"
"Hindi nya iyon kabit.asawa nya na iyon.kinasal sila last year diba?"
"Kabit pa din sya para sakin"
"Whatever! Kumain na muna tayo."
Umayos kami ng upo at nagsimula ng kumain.
"Ahm .may sasabihin din ako sayo"
Ngiting ngiting sabi nya."Buntis ka ?" Biro ko kaya naman binato nya ko ng tissue.
"Sira ! About sa school. Naisip ko lang gusto ko ng mag college"
Hindi ako umimik.
"Magbabagong buhay na ko."
"Ikaw."sagot ko
"anong ako lang? Syempre ikaw din! Magbabagong buhay na tayo."
Napainom ako ng tubig ng di oras. Ilang years na nga ba kong ganto? Almost 3 years. Kaya ko pa bang magbago? Parang nasanay na ko sa ganto.
"I know what you're thinking. Let's prove to them what we can."
This is our another side . kahit gaano kami kapasaway ,kahit gaano kami kabrutal mag salita minsan alam namin ang totong ugali namin. Alam namin ang kahinaan namin. Dahil kaming dalawa lang naman ang nakakaalam kung ano talaga ang totoong nararamdaman namin.
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...