CHAPTER 8

21 1 0
                                    

Alvie's POV

Sinasagad talaga ng babaeng iyon ang pasensya ko. Hindi ko na sya matsansya. Kung hindi lang talaga sya kaibigan ni erah kinaladkad ko na sya palabas .

Umuwi ako ng maaga dahil masama ang pakiramdam ko tapos ganito ang aabutan ko?

Mas lalo lang tuloy sumakit ang ulo ko dito sa bahay. Sakit lang talaga sya sa ulo.
Naiinis pa din ako at tinatamad na naupo sa study table ko at yumuko habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa sintido ko at pumikit .

Knock knock

Hindi ako nag angat ng tingin at nanatili sa pwesto ko. Alam kong si erah ang kumakatok .wala namang iba.

"Kuya? Are you alright?" Tanong nya nang makapasok sya at lumapit sakin.

Hindi ko sya sinagot ,badtrip pa din ako sa nangyari.

"What do you want?" Tinatamad na tanong ko.

"I'm sorry about earlier. Kasalanan ko kasi pinagkatiwala ko kay addy ,hindi ko naman alam na matatagalan ako."

"Nangyari na wag ka na mag explain."

"Kuya , papasok na ulit kami bukas"

Napaangat ako ng tingin sa sinabi nya.

"Nakiusap kasi kami kay dean kanina na bawiin nya ang suspension namin ni addy kapalit ng pagaaral naming mabuti."

"Talaga?" Nawala na ang pagka badmood ko sa sinabi nya. Buti naman at natauhan na talaga sya.

"Oo kuya ,pinapasok na kami ni dean. Ang kondisyon nya ay maging top 1 kami ni addy this month at sa susunod pang buwan. Kapag hindi namin tinupad iyon. Hindi na ulit kami makakatuntong sa St.Jude"

Napangiti na ako dahil dun.seryoso kasi sya habang nag iexplain at mukhang desido na talaga sya.

"I'm glad to hear that. Ayusin mo na ha , I'll help you"

"Thanks kuya." Nakangiting sagot nya at niyakap ako. Buti na lang may good news na kapalit sa nangyari.

"Kuya ,may hihilingin sana ko "

"Anything for you lil sis. New phone? Shoes? Bag? What is it tell me"

"Puro bago pa gamit ko kuya , si addy "

Biglang nawala ang ngiti ko sa pangalang binanggit nya.

"She is my bestfriend kuya ,i love her and please kuya , be nice to her. Can you do it for me?"

Hindi ako nakaimik agad , parang biglang hindi naging normal pintig ng puso ko. Hindi ko iniexpect ang sinabi nya. How can i be nice to her ? Masyado ng tumatak sakin ang mga kapalpakan nya. Hindi ko gustong pakisamahan ang mga gaya nyang babae.

Pero wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at tipid na ngumiti.

"I will erah"

"Thankyou so much kuya"

Addy's POV

Hindi ko maiwasang hindi mag alala sa kung ano ng nangyayari sa paguusap ng magkapatid. Ilang minuto na din ang lumipas pero hindi pa bumabalik si elly.

Nag aaway na naman kaya sila?

Na tetense talaga ko dahil baka palayasin na ko ni alvie. Galit na galit talaga sya sakin.aware naman ako dun kaya nga natatakot ako sa kanya eh.puro mali ko kasi ang nakikita nya sakin. Wala pa ata akong nagagawang tama na nakita nya.

Tumayo ako at nagpabalik balik sa paglalakad. Hanggang sa napatingin ako sa labas ng bahay.

OH MY GOD!

I'm Positively YoursWhere stories live. Discover now