Addy's POVAno bang problema nya?
Hindi ko talaga magets ugali nya.
Pagkatapos nya kong sabihan ng panget? Pagkatapos nya kong buhatin at pagtakpan sa teacher ko hindi sya mamamansin? I mean ,bakit ba bigla bigla na lang syang ganon? Kung makaasta sya parang ako may kasalanan sa kanya.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa movie na pinapanuod namin ni elly para mawala ang inis ko.teka nga ,bakit ba ko naiinis? Eh ano kung hindi sya mamansin? Napakamot na lang ako sa noo ko dahil sa mga naiisip ko.
"Maglinis? Kami ni addy ? Why? Ah..okay fine. Oo na kuya bye"
Hindi ko napigilang hindi tumingin sa gawi nya ng marinig ko ang pangalan ko .bigla syang tumayo at pinatay ang pinapanuod namin .
"Maglinis daw tayo. Kasama daw nya si rex at joe .sleep over daw sila dito."
"Tayo?"
"Yhup ,tayo kaya tumayo ka na dyan at simulan na maglinis kung ayaw mo itapon kita pabalik sa daddy mo."
"Oo na ,eto na nga oh."
Pinagtulungan namin ni elly linisin ang sala ,grabe .kahit wala akong alam sa paglilinis ay masasabi kong napaka dumi niyon .wala naman kasing permanet na maid para makapaglinis ng husay .
Mahigit dalawang oras din ang inabot ng paglilinis namin ni elly dahil binilin din ni alvie ang isang bakanteng kwarto na tutulugan nina rex mamaya .
Sabay kaming napaupo ni elly sa sala ng matapos. Nilaksan niya ang aircon at nahiga sa mahabang sofa. Nasa ganoon kaming kalagayan ng biglang dumating ang tatlo.
Napatayo agad si elly at napaayos naman ako ng upo.napatingin ako kay alvie na may dala dalang paper bags na hindi man lang nag abalang tingnan kami. Nag dire diretsyo lang ito sa kusina .
"Hi ellvirah ,hi addy " nakangiting bati sa amin ni rex.
"Hi joe.Upo muna kayo. Hintayin nyo na lang si kuya." Sagot ni elly at halatang hindi pinansin si rex.
"Anong meron? Bakit naisipan nyong mag sleep over dito?"
Nanatili lang akong tahimik habang abala si elly sa paglalagay ng dvd na mapapanuod.
"Actually successful kasi yung report ko so i asked them to go out para mag relax lang but alvie offered us to sleepover here kaya eto ." sagot ni joe
"Why don't you just tell them that you are broken hearted ,dami mo pa sinabi" asar dito ni rex natatawa at napailing na lang si joe sa kadaldalan ni rex.
Maya maya'y dumating si alvie na may dalang pitsel ng juice at box ng pizza.
"Bro, yan na muna kainin nyo. I'll prefer our food for dinner." Yun lang at bumalik na ulit sya sa kusina.
Halos patapos na kami sa pinapanuod namin ng biglang magtawag si alvie na kakain na.
Nakahanda na lahat ng makalapit kami. Hinubad nya ang apron na suot at naupo na."Wow ,alvie may talent ka pala sa ganto. Teka ,tol baka may gayuma to ha. Babae gusto ko bro.sorry"
Binato lang ni Alvie si joe ng pot holder na tumama sa mukha nito.natawa na lang kami at naupo na din .6 seater ang lamesa, naupo si elly sa tabi ng kuya nya na katapat ni rex at naupo naman ako sa tabi ni elly katapat ni joe.
"Gago ka joe ,kumain ka na nga lang I'm sure makakalimutan mong broken hearted ka pag natikman mo yan"
"Ah so gusto mo na talaga ko makalimot agad ?"
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...