Alvie's POV
Nagtatakang nasundan ko na lamang ng tingin si rex habang papalayo .mukha syang balisa kanina pa . ang tahimik at mukhang napakalalim ng iniisip.
Nangyari dun?
Nakakapanibago dahil hindi sya nangungulit.Hindi ko na lang sya pinansin pa at lumabas na din ako ng classroom at umuwi na.
Pagdating ko sa bahay ay namataan ko agad si erah sa sala na nakikipag kwentuhan sa isang babae. Nang makalapit ako ng tuluyan ay saka lang ako napansin ng mga ito.
Biglang lumingon sakin ang babaeng kausap nya. Agad na napakunot ang noo ko.
Badtrip ,bakit andito pa to? Sya yung lasing na babae kagabi na sinukahan ako.
"Kuya ,andyan ka na pala"
Tumayo si erah at humalik sa pisngi ko.pero hindi ko sya pinansin.
"What are you still doing here?"
Binigyan ko ng masamang tingin ang kasama nya kaya kitang kita kong yumuko na lang sya at hindi na muling tumingin sakin.
"Kuya ,ahm .pwede bang dito muna si addy sa atin?"
Nalipat kay erah ang masamang tingin ko. Mas uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nya.
"Ano? Pwede ba elvirah .hindi natin kailangan ng bisita dito."
"Listen to me first kuya.h-hindi naman sya magtatagal eh."
"Pauwiin mo na yan" mariin kong sabi bago sila iniwan. Narinig kong tinatawag pa ko ni erah pero hindi ako lumingon pang muli.dire diretsyo akong umakyat sa kwarto ko.
Nagdadabog na hinubad ko ang uniform ko .
Ano namang gagawin nya dito?
Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nya kagabi.sinukahan nya ko at syempre ako ang naglinis ng sinukahan nya dahil wala namang ibang gagawa nun.kung hindi lang talaga sya lasing at kung hindi lang sya babae baka napa away na ko. Nakakainis ang mga ganong klaseng babae. Nakakainis sya.Napaka bad influence nya talaga . sigurado akong pinalayas iyon sa bahay nila dahil sa pinag gagagawa nya. Dito pa talaga nya piniling pumunta .manigas sya !
Tok tok.
"Kuya?"
Bago ko pa mabuksan ang pinto ay naunahan nya na ko at dire diretsyong pumasok .
"Pinauwi mo na ba?"
"Kuya .makinig ka muna.wala syang mapupuntahan kapag pinaalis natin sya ."
"So? That's not our problem anymore erah. Bakit ba hinahayaan mo ang kaibigan mong maging ganyan? Kinukunsinti mo ang paglalayas nyan? O baka sadyang pinalayas yan sa kanila. Wag mo ngang ipasok ang sarili mo sa gulo na meron sya."
"You really don't understand kuya. Hindi sya pinalayas , naglayas sya dahil may rason sya at kung ako ang nasa sitwasyon nya maglalayas din ako. Please kuya. Nakikiusap sya na kung pwedeng dumito muna.please kuya pumayag ka na please?"
"No! I don't like her here .pauwiin mo yan ngayon din .maling mali kayo mag isip .yan ba natutunan mo kakasama sa kanya?"
Nakita kong bigla nyang nilayo ang tingin sakin.
"Kung hindi ka talaga papayag ,pwes sasamahan ko sya. Kahit san .basta malayo sa mga taong hindi kami naiintindihan."
"What?" Akmang tatalikod na sya kaya mabilis na humarang ako sa pinto.
" erah.. Are you insane? Damn.. Fine! Fine. Payag na ko. "
Mabilis pa sa kidlat na nagbago ang reaksyon nya. Nagliwang ang mukha nya at tuwang tuwang niyakap ako.napabuntong hininga na lamang ako.
YOU ARE READING
I'm Positively Yours
RomanceLOVE is a VIRUS ! Virus na hindi mo maiiwasan ,hindi mo mapipigilan ,hindi mo matatago at higit sa lahat hindi mo na mapapagaling. Nakakahawa ,kumakalat at lumalala. Hindi mo mamamalayan infected ka na. Kapag infected ka na. Magdasal ka na. Kasi ba...