Lumipas ang gabi, sasakay pa lang si Alex sa motor niya nang sa malayuan ay nakita kaagad niya ang kasintahan. Lumapit ito sa kaniya na may kakaibang pinta sa mukha.
"Alex, I'm here kasi gusto ko sana humiram ng pera. Hindi pa kasi nagpapadala ang papa ko sa abroad. Kung pupuwede bayaran mo electricity at water bill namin?" paglambing ni Mae.
"Sige, ito." Dumukot si Alex sa wallet ng pera. "Pagpasensyahan mo na 'to ha? Ito lang naipon ko," ani ni Alex.
Galak na galak si Mae at niyakap si Alex. "Thanks talaga ha! Ang bait mong GF." Itinago ulit nito ang pera sa bra at hinalikan si Alex sa pisngi bago umalis, pero makalipas ang dalawang oras ay biglang tumakbo sina Steve at Alfred papunta kay Alex.
"Alex! Halika, halika! Nakita ko si Mae, may kahalikan na lalaki. Doon pa sila sa tabi ng simbahan. Mga walang hiya!" sigaw ni Steve.
"Sinasabi ko na nga ba! Ayan na naman! Pangalawa ka na niyang niloloko!" sabi ni Melo habang kinakamot ang ulo.
Kaagad nag-jacket ng leather si Alex at nag-motor papunta sa sinasabi nina Alfred at Steve; pinasakay din niya ang dalawa.
Pagkababa nila ay nagulat si Alex dahil totoo nga. Biglang sumugod siya sa dalawa.
"Hoy tarantado! Girlfriend ko 'yang ka-date mo!" sigaw ni Alex kaya biglang tumayo ang lalaki.
"Puwede ko naman kayo pagsabayin ah?" Nainis nang sobra si Alex kaya bigla niyang tinapakan ang lalaki sa paa at niyurakan ng malakas.
"At ikaw naman! Akala ko nagbago ka na!? Pera pa rin ang habol mo sa akin! Lahat ng luho mo ibinigay ko!" sigaw ni Alex kay Mae saka niya ito itinulak na ikinatumba nito sa semento.
Umalis si Alex na umiiyak.
~~~
Alex's POV
Habang nagd-drive ako ng motorsiklo ay tila hindi ako makapaniwala sa pangalawang panloloko sa akin ni Mae. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mas trip ko magmahal ng babae, pero ganoon talaga eh! Pinanganak akong babae pero may pusong lalaki.
"Hindi ko gusto maging babae."
Pagkarating ko sa bahay, kaagad akong dumiretso kay inay at kinuha ang bimpo para punasan ang buong katawan niya habang lumuluha ako. Napatitig sa akin si inay at hinawakan ang kamay ko.
"Libangin mo ang arili mo. H'wag kang umiyak." Medyo nagulat ako dahil ulyanin siya, pero pagkalipas nang ilang segundo ay nagtanong ulit ito, "Sino ka ulit? Ano'ng ginagawa mo sa akin?"
Pagkatapos kong punasan ay ipinahiga ko na siya at tuluyang pinatulog. Dumiretso ulit ako sa computer shop namin ni Melo.
"Sorry kapatid, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Mae. Sana pala sinabihan kita nang maaga," sabi ni Melo.
"Okay lang 'yon, Kuya ano ka ba. Wala na akong pakialam sa babaeng 'yon. Magsama sila," sagot ko.
"Mang-troll ka na lang sa forum website; bawas problema na rin. H'wag mong pag-aksayahan ang babaeng 'yon. Maghanap ka ng bagay at kalimutan siya," hirit ni kuya Melo.
Bigla kong binuksan ang computer at kaagad nag-log in sa anime forum. Nag-post na naman ako ng mga kalokohan na topic thread. Naging laro-laro na lang sa akin ang forum para mang-troll.
Naisip ko ang panloloko sa akin ni Mae kaya in-open ko muna ang facebook niya. Masaya ako na hindi pa niya ako ni-block, kaya kaagad kong ninakaw ang mga pictures niya. Lahat-lahat na parang gigil na gigil ako, saka ako nag-post doon sa anime website forum ng thread topic.
BINABASA MO ANG
Troll Love
HumorSi Alex, isang tibo, ay hindi inakalang papasok siya sa magulong mundo ng internet. Natutunang niyang mag-English, sanay mang-trip, mang-gago, at maging isang notorious troll na tila laro lang ang lahat. Pero ang simple niyang kalokohan ay biglang n...
