Alex's POV
Pagkatapos mangyari ang lahat ay bumalik na naman ako sa pormahan na sigang tibo. Tumigil ulit ako sa salon na mag-trabaho at ginamit ko na naman ang motor ko.
Nagugulat na lang ang ibang tao sa pabago-bago ng anyo ko.
Feeling ko mapalalaki o babae ay pare-pareho lang. Ayaw ko na muna umibig. Kung tatanda akong dalaga, ayos lang. Puwede namang mag-ampon 'di ba? Nakakasawa rin naman at bakla lang ang umiiyak.
Pagkalipas din ng bagong taon, isang buwan muli ang nakalipas. Bumalik na naman ako sa anime forum para mag-post ng kung anu-ano'ng kalokohan. Pinag-igihan ko ang pagiging troll ko. Kasi iba pa rin kapag may napapagtawanan, napagtitripan at nauuto ka sa internet. Nakakawala ng problema.
Iyong kakampi ko na si Danilo, siya ang pinakamalaking basher ko ngayon sa bawat topic threads na pino-post ko sa anime forum. Mas wala siyang respeto sa 'kin kaysa sa ibang lalaki at madalas niya akong i-bully at pinapahiya, kaya hindi ko na rin siya pinapansin. Inisip ko, ako na nga 'tong nasaktan at nagmakaawa. Ayaw pa niyang maniwala na minahal ko siya at tingin niya sa akin ay isang babae na nag-take advantage ng nudes niya. E di pakamatay siya sa ganoong akala! Pakyu siya. Kasalanan na niya kung iisipin niyang fake 'yon lahat kahit totoo ko namang nudes and ipinasa ko, pero hindi ko na ipinaalam. Baka 'yan pa ang iganti niya.
Ang maganda ay nakakapagpasaya pa rin ako ng ibang tao sa forum. Dahil maraming natatawa sa mga thread topics ko na pino-post kada araw.
Sabi pa sa akin ni kuya Melo may bago raw na internet GF si Danilo na amerikanong babae na nagngangalang Lexi; may mga picture silang naka-post. Talagang naghanap pa sa anime forum; ginantihan talaga ako, pero hindi na ako nagpapaapekto, baka kapag pinatulan ko ay magkaroon pa ako ng sakit sa puso. Kapangalan ko pa ang GF niya at ang sweet pa nila. Nagseselos ako minsan, pero ayaw ko na rin magpadala. Marami na ang naibuhos na luha. Hindi sa lahat ng oras ay ilalaan ko ang luha at damdamin ko sa kaniya, kasi tuluyan lang akong lalamunin ng depression, besides, hindi pa naman ako sigurado sa pagkakakilala ko sa kaniya. Baka poser din siya, ang gwapo kasi at may six packs pa, pang model! Pero piniperahan lang ng mga GF niya.
Nang isang araw, hindi ko inaakala na biglang napadalaw sa computer shop si Veronica kaya natakot at nangamba ako. Iniisip ko kasi na baka sinumbong ako ni Danilo na ginagamit ang picture niya kaya tinalikuran ko.
"Alex!" bigla niya akong tinawag; galit kaya mas lalo akong kinabahan
"Bakit? May nag-message ba sa fan page mo?" tanong ko at ngumiti, pero galit na galit pa rin ang hitsura niya at walang imik. "Gusto mong makipagbalikan sa akin or something? Kasi ayaw ko na, please! Lubayan mo na ako," sabi ko pero tila galit na galit pa rin siya.
Hanggang sa sumugod siya sa loob ng sala na parang may hinahanap at nagwawala kaya sa sobrang takot ko ay pinigilan ko siya, pero ang lakas niya; sa sobrang galit siguro, mabuti na lang at dumating si kuya Melo.
"Ano'ng nangyayari rito?" sabi ni kuya Melo at pinigilan si Veronica na pasukin ang buong kwarto.
Hanggang sa nagalit si Veronica at hindi na nakapagpigil at sumigaw, "Nasa'n na ang kuya Delo niyo?! Hayop na 'yon! Nasa'n siya?! Nasa'n?!"
Gulat na gulat kami ni kuya Melo dahil sa hinahanap niya si kuya Delo habang nagwawala. May dumating na malalaking lalaki, mga bodyguards yata niya.
"Ano ba?! Huminahon ka! Ano ba ang ginawa sa 'yo ni kuya? Umutang ba siya sa 'yo? Inagawan ng sugar daddy? Ano?!" sigaw ko, pero para siyang baliw na nagwawala kaya nasampal ko siya bigla nang hindi sinasadya.
Nagulat si Melo habang natatawa hanggang sa naiyak na lang si Veronica. "Tang-ina mo, Alex! Pasmado pa ang kamay mo! Nasa'n ang kuya Delo niyo? Binuntis niya ako! Binuntis niya ako!"
Sa sobrang gulat namin ay humalakhak kami sa tawa. Pati si inay ay natawa sa amin. Akalain mo, ulyanin na natawa pa sa balita, hanggang sa biglang bumukas ang cabinet at doon nagtatago si kuya Delo na nakangiti na takot.
Bigla itong sinugod ni Veronica at pinagsasampal. Kaya inalam namin kung ano ba talaga ang buong nangyari.
"Kasi nalasing kami. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari. Alam mo naman na bakla ako, hindi ko kayang panindigan 'yang dinadala mo. Hindi naman natin sinasadya, iiwan ako ng boyfriend ko kapag nalaman niyang nakabuntis ako ng isang magandang model pa na sikat," paliwanag ni kuya Delo na umiiyak.
"Kuya naman, panagutan mo na siya. Kawawa naman ang baby," sabi ko.
"Limang buwan na akong buntis, nawalan na rin ako ng trabaho dahil lumalaki na ang tyan ko kaya wala na akong kinikita! Letseng buhay 'to! Nakabuntis pa sa akin itong bakla na 'to!" ani ni Veronica.
"Kung papanagutan ko ang bata, hindi ko na kayo kayang sustentuhan dahil magkakapamilya na ako mga day," ani ni kuya Delo.
~~~
Third Person's POV
Pumayag din ang dalawa na panagutan ni Delo ang dinadala ni Veronica, pero humanap pa ito ng raket kaya umalis muna ito sa probensya habang nakatira na si Veronica sa bahay kasama sina Melo, Alex at ang inay nila.
Iniwan ni Delo ang salon sa dalawa para ang kita ay ang gagastusin na lang nila sa pag-aaral.
Gusto sana ni Melo na si Alex ang mamahala nito kasi babae siya at babae dapat ang tumingin ng salon, pero ayaw ni Alex at mas gusto niyang tumambay sa computer shop dahil ayaw niya magpakababae.
Napilitan na lang si Melo na ito ang mamahala na lang sa salon kaya naging kaunti ang kinikita; medyo magkagalit sila ni Alex dahil dito; hindi nito mapilit na magpakababae si Alex kaya ayaw niyang manatili sa salon.
BINABASA MO ANG
Troll Love
HumorSi Alex, isang tibo, ay hindi inakalang papasok siya sa magulong mundo ng internet. Natutunang niyang mag-English, sanay mang-trip, mang-gago, at maging isang notorious troll na tila laro lang ang lahat. Pero ang simple niyang kalokohan ay biglang n...
