KABANATA 8. NA INLOVE

1.5K 57 21
                                    

Alex's POV

 

 

Kinaumagahan ay may pasok sa eskwela kasama ang aking motor at tulala pa rin ako sa mga nangyari kagabi.

 

 

"Uy! Gumising ka! Bakit kanina ka pa walang imik, Alex idol?" tanong ni Steve.

 

 

"Wala. Wala," sagot ko .

 

 

"Kunwari pa 'tong si idol. Bakit para kang ewan d'yan na tulala?" ani ni Alfred.

 

 

Bigla akong nainis at noong susuntokin ko sila ay nagsialisan sila at nagtawanan. Pagkaabang ko sa computer shop ay nandoon pa rin si kuya Melo na parang malungkot kaya nilapitan ko siya saka ako nag-sorry.

 

 

"Kuya, sorry kung nasuntok kita. Hindi ko sinasadya," sabi ko.

 

 

"Okay lang. Nalulungkot lang ako sa 'yo, Alex," sabi niya.

 

 

"Bakit, Kuya? Puwede pabalikin mo na ako rito sa computer shop, Kuya? Tagal na akong grounded ah?" pagmamakaawa ko.

 

 

"Madali kitang pababalikin, pero nabasa ko na ipinagkakalat ni Zoro sa buong anime forum na GF ka na raw niya at siya lang daw ang nakakaalam ng hitsura mo," malungkot na sabi niya.

 

 

"Huwag ka mag-alala, Kuya. Mukha ni Veronica ang alam niyang hitsura ko," sabi ko nang natatawa at sinabi rin ang sekreto ko.

 

 

"Paano na lang kapag nalaman niya na niloloko mo na naman siya nang pangalawang beses? At gumamit ka ulit ng picture na hindi ikaw. Ayaw lang kita masaktan. Mahal mo ba siya? Kasi masaya ako dahil natupad na rin ang pangarap namin, pero malungkot dahil masasaktan ka na naman, pero ngayon dahil sa sarili mong kamangmangan," seryosong sabi ni kuya Melo.

 

 

"Don't worry, Kuya! The best troll pa rin ako, at hindi ako magpapaloko sa sino mang lalaki na sa internet ko lang nakilala, ano ka ba! Tomboy pa rin ako. Pinaglalaruan ko lang siya," nagsinungaling ako.

 

 

Simula noon, pinatawad na ako ni kuya Melo at pinayagan ulit kami ni kuya Delo na magkasamang mamahala sa computer shop.

 

 

Kaagad ko na namang ini-chat si Danilo. Ganoon pa rin, ang kulit at sweet niya sa message

 

 

Danilo: Kumain ka na ba?

 

Troll Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon