Danilo's POV
Sa nagdaang araw, simula nang nakita ko ang mga mata ni Alex na galit na galit ay nakakabighani pa rin siya. Mas maganda at mapungay ang mata niya kay Veronica na may pagkamalakihang mata. Chinita siyang tingnan, mas malakas ang dugo niyang Hapones na mapang-akit.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit pa siya gumagamit ng picture ng iba, ang ganda naman ng hitsura niya, kaya napapapunta na lang ako sa CR at nagpaparaos na naman sa mga audio voice chat niya sa akin na hindi ko pa nabubura.
Ang sarap kasi pakinggan ng boses niya. Parang gustong-gusto ko siyang tirahin kapag naririnig ko dahil gigil akong marinig ulit siyang umungol, kagaya ng ginagawa namin palagi sa voice chat.
Hindi ko lang pinapahalata na naaakit ako sa kaniya. Kahit namamaga ang mata niya dahil parang umiyak ay mas nakukyutan pa rin ako sa kaniya lalo na at maliit siyang babae. Masikip panigurado ang kweba niya, hindi katulad ng mga naging ex ko.
Minsan parang nahahalata ko rin na napapansin niyang palagi ako tumitingin sa kaniya. Mas lalo akong nanggigil noong burol. Nakapulang lipstick siya at naka-make up at hindi nakatali ang buhok. Natantya ko nang malaki ang dibdib niya, halos pumutok na sa blouse niya. Ang ipinagtataka ko lang, palagi ko siyang nakikita na flat ang dibdib kaya naguguluhan ako pero okay lang. Makita ko lang siya ay kinikilig na ako na may kasamang libog.
Sa pagtira namin ay ramdam ko ang kalungkutan niya. Iyak siya nang iyak. Miss na miss na niya ang mama niya. Gusto ko sana siyang komprontahin, pero baka mag-isip siya ng kung anu-ano.
Ang mahalaga sa akin ay nakikilala ko siya nang dahan-dahan; ang babaeng naglaro sa aking damdamin, pero okay lang at least nandito na siya sa harap ko; totoo siya, hindi lang siya basta troll.
Makalipas ang ilang araw.
Walang tubig kaya todo reklamo naman 'tong mga kasamahan kong si Arnaldo at Lexi. Parang nawawalan din ako ng gana kay Lexi. Masyadong maarte. Gusto ko talaga katulad ni Alex; masipag, malakas parang lalaki, at masarap sa imagination.
Sinabihan kami ni Melo na maligo muna sa sapa. Una ko tuloy naalala noong kami pa ni Alex. Sabi niya sa akin sa sapa na lang daw kami magtalik kaya medyo na-excite din akong makita ang sapa na 'yon.
Mahaba-haba ang nilakad namin pero adventure talaga. Huni ng ibon ang maririnig; sikat ng araw na malusog sa katawan; pinagpapawisan na rin kami sa init, pero mababawi din iyon pagdating namin sa sapa.
Hanggang sa may mga maliliit na daanan at hagdanan. Halos madulas pa si Lexi. Mabuti naagapan.
Pagkarating namin sa tuktok ay nakita na namin ang sapa. Maraming tao; iyong iba ay naglalaba habang ang mga bata naman ay naliligo. Nandoon din si Delo at Veronica. Nakatatawa si Delo, baklang-bakla ang suot habang naliligo nang tinawag kami. Napaisip din ako at naisip ang sinabi ni Alex na rito kami mag-first time. Public sex sa sapa.
Ako naman, gigil pa rin ako na hanapin si Alex kasi imposibleng wala siya e wala na ngang tubig noong nakaraang dalawang araw at wala kaming ligo. Malinis pa naman siya sa pangangatawan.
Iniwan ko muna sila saglit habang naglalakad-lakad ako sa gilid ng sapa, hanggang sa napapansin ko na lumalayo na ako sa kanila, pero okay lang. Masaya kasi mag-explore.
Pagkarating ko sa isang parte ng sapa ay may butas at mukhang may nakasulat na "Don't Enter - Danger".
Na-curious ako. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at dahan-dahan akong tumalon sa butas na 'yon. Hinila ako roon ng spring water falls papunta sa loob, hanggang dinala ako nito palabas sa isang sekretong sapa. May nakita rin ako sa ilalim ng tubig na isang babaeng hubo't hubad na naliligo.

BINABASA MO ANG
Troll Love
HumorSi Alex, isang tibo, ay hindi inakalang papasok siya sa magulong mundo ng internet. Natutunang niyang mag-English, sanay mang-trip, mang-gago, at maging isang notorious troll na tila laro lang ang lahat. Pero ang simple niyang kalokohan ay biglang n...