KABANATA 1. PROLOGUE

3.2K 77 26
                                        

Sa isang barangay sa pook ng probinsya; sa isang internet café, nakatira ang tatlong magkakapatid.

 

 

Magkakaiba sila ng ama sa iisang ina. Una ay si Delo Banua, ang panganay; pure pinoy siya at palabiro; siya ang nagtatrabaho at ang breadwinner ng pamilya dahil ang ina nila ay may Alzhemier na; siya ang may ari ng internet shop, at siya rin ang may ari ng isang kilalang salon; isa siyang bayot o bakla, pero kahit ganoon siya ay mahal na mahal siya ng mga kapatid niya at tanggap kung ano siya. Hindi siya nagsasawang tulungan sila sa pamamagitan ng pagpapaaral sa kanila.

 

 

Pangalawa naman ay si Melo Banua; siya ang pangalawa, 23 na at ang ama niya ay isang African American kaya siya ay negro, ngunit fluent na rin siya mag-Tagalog dahil sa nasanay na ito, sapagkat iniwan na siya sa nanay niya at lumaki sa Pilipinas gaya ng mga kapatid. Hindi rin niya alam kung nasaan ang tatay niyang marine. Straight siyang lalaki, medyo matino, at maraming pangarap sa buhay.

 

 

Pangatlo ay ang protagonist na babae ng istoryang ito. Siya si Alexandra Banua na 18 taong gulang; siya ang bunso sa magkakapatid; half Japanese siya kaya maganda siya, pero isa siyang lesbian o kaya ay tibo, t-bird. Madalas nakatali o kaya nakatirintas ang buhok at nakasuot ng sombrero, malaki ang hinaharap kaya palagi na lang niya itong nilalagyan ng strap band na puti upang ito'y maging flat. Kilos lalaki talaga siya, parang isang siga. Silang dalawa ni Melo ang tumitingin sa internet shop. Tuwing nandoon siya, t-shirt na maluwag ang kaniyang suot dahil na rin sa init. Kahit tomboy siya ay hindi niya pinapabayaan ang ulyanin niyang ina, kaya malinis siya sa pangangatawan. Siya ang nagpapaligo rito, nagpapalit ng damit, nagpaparumi sa banyo, at lahat dahil napakasipag niyang babae.

 

 

Isang gabi, pagkatapos palitan ni Alex ang mama niya at tuluyang pahigain sa kama ay naisipan niyang mag-abang ng latest episode ng paborito niyang Japanese anime cartoons, dahil sa napakahilig din niya manood ng mga Japanese cartoons; proud dahil nga sa half Japanese siya na trying hard mag-japanese minsan.

 

 

"Nandito na pala si pards," sabi ng mga madalas niyang customer na mga binatang sina Alfred at Steve sa internet shop na mga naglalaro ng Dota.

 

 

Nakipag-apir siya sa mga ito.

 

 

"Mayro'n na bang latest episode ngayon ang Naruto?" tanong niya.

 

 

"Mga alas singko pa raw mar-release, Kuya Alex," ani ni Alfred.

 

 

"Sige, dito na ako matutulog para maghintay at mag-abang," sagot ni Alex.

 

 

Nang umabot ng ala una ay may pumasok na isang kakaiba at misteryosong lalaki. Noong una, walang pakialam si Alex. Dahan-dahan itong pumasok at nagpanggap na mag-i-internet, humingi ito ng papel at binigyan naman ni Alex.

 

 

Pagkalipas nang ilang minuto'y biglang tumayo ang lalaki at naglabas ng baril.

Troll LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon