Alex's POV
While on chat.
Danilo: I have to show you something baby.
Nagtataka ako kung ano 'yon.
Alex: What's that?
Nag-send siya sa akin ng isang ticket na papunta na siya sa Pilipinas sa Desyembre.
Danilo: Surprise, baby. So excited to see my little precious Alex.
Ako: Ay puta! Is this real? One more month to go! It's happy Halloween.
Danilo: Yes baby, prepare your self. It's going to be a very hot and wild scene for both of us.
Ako: I have to take care of mom muna ha! Take your time. enjoy ka pa r'yan. Post post ka na lang sa anime forum.
Danilo: Ok babe! I love you.
Ako: I love you too. Thank you for everything.
Pagkaalis na pagkaalis ko ay kinikilig na naman ako na tila tumatalon ang puso ko. Niyakap ko nang sobra si inay at hinalikan ito bago ko siya pinunasan.
Ang sarap pala sa feeling kapag may karelasyon ka. Hindi ko ito naramdaman sa past relationship ko, kay Danilo lang. Mas masarap pala magmahal ng lalaki dahil hindi masyadong maarte at hindi na kailangang suyuin.
Pagkatapos kong patulugin si inay ay kaagad akong tumingin sa cellphone, pero nagulat ako sa post ni Danilo sa website forum dahil ipinaalam niya sa lahat na magkikita na kami sa December. Nagyayabang at sinabing "I told you she's not a troll. We'll meet this December and I will assure you to show you pictures".
Marami pa ring nam-bash at ayaw maniwala sa kaniya. Baliw daw siya at naniniwala siya sa akin sabi ng mga ibang lahi.
"Crap! You believed a troll?"
"I feel sorry for you for meeting a troll."
"Trust me brah, your Christmas today will be the worst."
Iyong iba ay nag-dare pa.
"If she is real then post her real photos to us! You're crazy enough for a troll. Poor balls, you have there bro. You don't even know her gender! Man!" Tumanggi pa rin siya at ipinagtatanggol na totoo ako.
Sa sobrang inis ko ay bigla akong nang-away sa mga ibang poster doon sa anime forum, hanggang sa hindi ako nakapagpigil at nai-post ko ang picture ni Veronica sa ikalawang beses na ikinagulat ng marami, pero akala ko roon na 'yon magtatapos. Nang biglang sumabat na naman 'yong si Itachi na pinoy.
Itachi:
I know that woman she is using. It's an internet celebrity named Veronica Andres Sanchez, top cosmo model.
Doon na ako nabuking ni Danilo. Sa sobra kong inis sa sarili ay kaagad kong itinago ang cellphone ko.
"This can't be! Putang-ina kang lalaki ka! Hayop ka! Bakit mo 'ko binuking?!" Bigla kong naramdaman ang dahan-dahang pagtulo ng mga luha ko at ang paninikip ng dibdib habang naiisip si Danilo.
Makalipas ang ilang oras ay kaagad akong nag-online sa FB messenger, pero na-block na niya ako. Hindi ko na alam kung ano ang nagawa kong mali at parang masisiraan ako ng bait at kinakatakutan ko na ang cellphone. Umiyak ako nang umiyak. Mas grabe pa ang sakit na ito kumpara noong kina Mae at Veronica. Halos mabasa ang unan ko sa luhang bumubuhos galing sa mga mata ko.
Sino ba naman ang hindi mababaliw sa araw-araw hanggang gabi ay iisang tao lang ang kausap mo? Halos two years na ganoon kayo. Na-trauma na yata ako sa cellphone at internet. Hindi na ako makalabas sa kuwarto; nagkasakit at nagkasinat pa sa sobrang depression at miss na miss ko na si Danilo. Parang nanibago lahat na wala talaga siya sa everyday life and routine ko. Wala na ring saysay ang pagbili ko at pag-subscribe sa free data.

BINABASA MO ANG
Troll Love
HumorSi Alex, isang tibo, ay hindi inakalang papasok siya sa magulong mundo ng internet. Natutunang niyang mag-English, sanay mang-trip, mang-gago, at maging isang notorious troll na tila laro lang ang lahat. Pero ang simple niyang kalokohan ay biglang n...