KABANATA 12. PAALAM

1.2K 40 4
                                        

Danilo's POV

Hanggang sa gumabi na at dumating muli si Alex na ganoon pa rin ang suot; naka-shades kahit gabi na. Gustong-gusto ko talaga na magsalita dahil, nam-miss ko ang boses niya, sobra pero para siyang pipi na galaw lang nang galaw ngunit hindi nagsasalita.

Pinaghanda kami ng makakakain na pinakbet at adobo at nakisabay na rin si Melo at Veronica.

"Alex, ikaw? Hindi ka ba makikisabay sa amin?" tanong ni Melo.

"Hindi muna, Kuya papakainin ko si inay bago ako kumain para mahugasan din ang plato na pinagkainan," sabi niya. Ang sarap talaga sa tainga; ang sarap pakinggan ng boses. Paos na may pagkalalim, naaalala ko 'yong SOP namin, kung paano siya umungol na tila naaakit ako sa boses niya at paano niya ako sabihan ang i love na kinahihinayang ko.

Kaagad ulit pumasok si Alex sa kuwarto niya.

Ang sarap-sarap pang magluto ni Alex. Hindi ako makapaniwala na lesbian talaga siya, dahil sa States kapag lesbian ka ay para kang lalaki, pero sabi ni Melo ay si Alex lahat ang gumagawa ng gawaing bahay at napakasipag na siya din ang nag-aalaga sa nanay nila.

Alex's POV

Mga 10 p.m. at lumabas ako na nakasalamin; naka-baseball cap pa rin at jacket nang nakita ko si Danilo na nakaupong mag-isa sa sala at nanonood ng dos kaya umupo rin ako para tumingin kunwari kung ano ang palabas. Ayaw ko hubarin ang shades kasi hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naiiyak ako tuwing naririnig ko ang boses niya at nakikita ko siya.

Naalala ko ang lahat-lahat ng panloloko ko sa kanya at mga salita niya sa akin, kung paano siya nangako na magkikita kami sa christmas, pero hindi naman ako sinipot dahil lang doon sa Itachi na 'yon. Masakit pa rin na mas pinanigan niya ang iba, pagkatapos ngayon nandito na muli siya para saktan ulit ang naghihilom ko pang puso.

Mabuti na lang at nagkaayos na kami ni kuya Melo, pero iiwan din ako ni kuya Melo dahil pupunta siya sa States. Palagi na lang ako napag-iiwanan. Masyado na akong depress sa buhay, pagkatapos ito pa ang dumating.

"You know what, I love watching TFC! Dati sa TV ko lang nakikita ang Pilipinas. Today, I am here! Wow! Time is so fast," sabi niya kaya medyo nanginig ako at hindi makapagsalita. Miss na miss ko na siya, kung pwede ko lang sa kanya sabihin iyon.

"Alex! May nag-flat ng tire ng motor mo!" sigaw nina Steve at Alfred na kaagad kong ikinagulat at tumakbo papalabas.

Inayos ko rin ito na inabot ako ng ilang oras.

Bumalik ako sa sala ng mga 12 a.m. nang may nakalimutan akong kuhanin sa guest room; pagpunta ko roon ay gulat na gulat ako sa aking nakita.

Kitang-kita ng dalawang mata ko paano pinapasakan ni Arnaldo ng isang bagay na mahaba na parang batutang bulate ang pwet ni Lexi, kasabay nito ang pag-ungol ni Lexi na parang nababaliw sa sarap.

"Mga hayop kayo! Dito pa kayo gumagawa ng milagro! Mga bastos! Ano iyang bulateng batuta na pinapasok mo sa pwet niya!" sigaw ko at biglang nag-ayos ang dalawa ng sarili bago dumating si Danilo.

Nagising din sina kuya Melo sa kaguluhan, Ang masama pa nito. Panay deny ang dalawa na sinungaling daw ako. Kaya hinanap ko ang bulateng batuta at agad-agad ko idinuro sa kanilang dalawa na kulang lang ay ihampas ko sa pagmumukha ni Lexi dahil sa gumagawa daw ako ng kwento.

Agad niyakap ng malanding kano si Danilo sabay explain na nababaliw daw ako. Natawa nalang si Danilo at dinampot ang bulateng batuta na gumagalaw galaw pa pagkatapos ko itapon at may gana pa siyang explain sa akin iyon.

"Calm Alex, this is a Dildo Vibrator. This is for masterbution! Hahah." Sabay gumagalaw pa with battery iyon, ampotah!

"Ano ba talaga nangyari?" Tanong ni Melo na bagong gising na parang nakuryenti ang buhok sa pagka-afro.

"Yang mga malalaswang nilalang na yan. Niloloko niyo pa si Danilo! Mga hayop kayo! Pinapasakan ng bulateng batuta yung pwet ni Lexi habang umuungol!" pasigaw ko.

"You're just lying, bitch! You're a troll at the forum. You're also a troll in real life! Damn it! How come that you saw us you psycho bitch, if you're wearing shades at night?!" paliwanag na pagsisinungaling ni Arnaldo.

Sa sobrang asar ko ay dahan-dahan kong inalis ang shades ko at nakita ng tatlo ang mata ko kaya parang natulala sila.

"Ano?! Ayan! Masaya na kayo?! Totoo ang mga nakita ko! Hindi ako nagsisinungaling!" sigaw ko.

Biglang hinila ako ni kuya papasok sa kuwarto ni inay na muntikan pang ikagising ng matanda.

"Ano ba, Alex! Magpakabait ka naman para sa akin! Mag-sorry ka sa kanila, please. Kung ano man ang nakita mo, problema na nila 'yon. Private lives nila 'yan. Hindi ba gusto mong makaganti kay Danilo? Hayaan mo siyang malaman ang katotohanan na niloloko nila siya," sabi ni kuya Melo.

Kaya lumabas na lang ako at napilitan. Namamaga pa rin ang mata na tila galit na galit na humingi ng sorry.

"Okay, sorry. I am just...ano ba ang tawag do'n? Nahihilo. Forget what I said," ani ko. Hindi ko lang maintindihan, wala man lang reaction si Danilo at panay titig sa akin na hindi ko mawari. Ang alam ko lang ay uminit ang ulo ko sa mga oras na 'yon.

Pagkabalik ko ay natulog ako. Nagising ako na ginigising ni inay sa kalagitnaan ng gabi. Bumangon ako't umupo.

"Alex, salamat sa lahat ng pag-aalaga mo. Kahit iiwan ka na ng mga kapatid mo, alam ko na hindi ka maiiwang mag-isa, kaya buksan mo ang puso mo sa kung saan ka masaya. Mahal na mahal kita anak," sabi niya at bigla siyang humiga at natulog muli.

Muli akong nagising, tiningnan ko si inay at niyakap saka napaluha. Naluha siya hanggang sa napahawak nang mahigpit sa kamay ko ngunit bumitaw din.

Simula ng gabing 'yon, senyas pala ni inay na magpapaalam na siya sa amin.

Wala na ang inay ko na mas lalo ko pang ikinalungkot. Wrong timing ang pagdating ng mga tourist namin, pero at least nakikiramay pa rin sila.

Pinakamalaking apektado sa pagkamatay ni inay ay ako. Ako lang naman ang nagpapakain, nag-aalaga, nagpapatulog, nagpapadumi, at nurse niya hanggang sa mawalan na siya ng hininga ay ako pa rin ang katabi niya sa kama.

Kahit hindi ko nakilala ang ama kong hapon, okay na sa akin si inay na tumayong ama at ina ko kaya mahal na mahal ko siya.

Dumating din si kuya Delo sa mga nangyari.

Hanggang sa ililibing na siya ay wala na akong nagawa kung hindi ang magpaganda at magpa-make up kay Veronica bilang respeto ko sa burol ni inay dahil ako lang ang anak niyang babae. Kinalimutan ko na rin ang dati naming relasyon kasi sabi niya mabait daw ako kaya minahal niya ako, pero bilang kapatid, kaya ang tawag ko na sa kaniya ay "ate".

Noong pumunta kami sa burol ay titig na titig na naman sa akin si Danilo. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. May dumi ba ako sa mukha? Nasobrahan ang make up ko? Ano ba problema niya sa itsura ko ngayon?

Panay pasok din niya sa CR at ang tagal pa bago lumabas. Hindi naman tumatae o naliligo. Trip lang niya?

Hindi ko na rin alam kung ano ang future ko dahil aalis na nga si kuya Delo, sumunod naman si inay at ngayon, si kuya Melo ay hinihintay lang ng tatlong turista namin.

Simula nang mawala si inay, parang nakalimutan ko na rin ang tungkol sa amin ni Danilo. Kaya medyo hindi na rin ako nahihiya, hindi katulad noong first meeting namin. Sino ba naman siya para katakutan ko? Isa lang din naman siyang inuuto-uto ng GF niya. Isang tanga!

Troll LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon