[CHAPTER 1]
(3rd P. POV)"Hi! I'm Tamara.. I am here to satisfy your sexual needs."- ani ng isang manika na animo'y parang isang totoong tao.
Ito'y may balingkinitang katawan at may magandang mukha.
Dahil sa modernong panahon naging posible para sa isang plastic ang maging parang isang makatotohanang tao na maaaring makapagsalita at makagalaw ayon sa gusto nito na kontrolado ng mga baterya.
Ang halaga nito'y tumataginting ng halos isang bilyon sapagkat ito ay gawa sa mga mamahaling materyales na ligtas para sa kalusugan ng mga taong nais bumili nito at ito'y nagmula pa sa malayong lugar at gawa ng isang kilalang kompanya.
Ang Sevit Scott Sex Dolls ay kilala sa buong mundo.Nakatitig ang isang lalaki sa manikang kaharap niya ngayon na nagngangalang Tamara.
Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Sevit Scott, ang mismong gumawa ng mga mamahaling manika.Siya'y nasa 27 taong gulang pa lamang ngunit siya'y kilala na sa buong mundo dahil sa yaman at kagwapuhan na kanyang taglay.
Hinaplos niya ang mga pisngi nito..
Ganun na lamang ang pagkabigla ng lalaki nung biglang makita niyang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Pero sadyang napakabilis ng pangyayari kaya di siya sigurado sa nasaksihan.Nakipagtitigan siya dito at sinubukan niyang kausapin.
" Tamara.."- tawag ni Sevit sa manika.
Pero nakatingin lamang ito sa kanya habang nakangiti.
Matiim niyang tinitigan ang mukha ng manika.
Makalipas ang ilang minuto naisipan niyang umalis na kaya pinindot niya na ang off button at pinahiga ang manika sa kanyang kama.Ngayo'y nakapikit na ang mga kulay berdeng mata ng manika.
Hinawakan niya ang mga kamay nito at bahagyang pinisil.
Bago pa man niya tuluyang iwan iyon sa kanyang kama, muntikan na siyang mapasinghap dahil ramdam niya na parang may kumabig sa kanyang kamay kaya muli siyang napatingin dito.
Pero pagtingin niya sa mga kamay nito ay di naman nagbago ang posisyon.
Napailing na lamang ang lalaki at napa-isip na marahil ang lahat ng ito ay guni-guni lang.
Tuluyan na niyang nilisan ang kwarto.Ilang segundo ang nakalipas rinig na rinig ang halakhak sa buong silid.
"I'll make you pay for everything Sevit."
-nana💭
BINABASA MO ANG
SEX DOLL NAMED TAMARA
Roman d'amourA sex doll turn to a real life woman whom will fall in love with the man named Sevit Scott which turns out to be the maker and the owner of the Sevit Scott Sex Doll Company where she came from.