ok pa ba tayo?

59 0 0
                                    

" ok pa ba tayo? "

yan yung madalas itanong ng mga may karelasyon right after may hindi pagkakaunawaan

pero paano kung natatanong mo yan , pero hindi mo naman sinasabi sakanya ng harapan o kahit sa message man lang.

ok pa ba kayo? 

ramdam mo kasi hindi, pero tinatanong mo para malaman mo kung ok pa ba sakanya yung sitwasyon niyong dalawa.

pwede kasing ok siya pero nahihirapan ka, o kaya nahihirapan na pala kayong dalawa pero hindi niyo nalang pinapansin para masabi niyo sa isa't isang , " oo , ok pa tayo. "

ok pa ba kayo?

sa ganyang sitwasyon , ok pa ba kayo? 

sasabihin mong oo, ok pa kami. eh ikaw, ok ka ba?

kasi kung hindi na, sabihin mo na, wag mo ng itago, wag kang magtago sa salitang "ok lang ako." kasi hindi at gasgas na yan.

ang gusto ko lang sabihin , kung hindi ka na ok sa sitwasyon niyo , sabihin mo na , baka kagaya mo rin siya, inaantay ka lang na magsalita. inaantay na sabihin mong , " hindi na tayo ok, pero ayusin natin 'to , babalik din tayo sa dati at magiging ok ulit. "

Minsan Natanong Mo Na Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon