Tula Para Sa Taong Nanlamig Bigla.

60 5 2
                                    

Bakit bigla kang nanlamig?
Pagmamahal mo'y biglang nawalan ng init
Ako'y iyong minahal ngunit
Ito ay sandali lang.

Ikaw ay aking minahal
Pero ako ay naging hangal
Hindi na isip na ang iyong pagmamahal
Ay isa lamang katangahan.

Naging yelo ka bigla
Ako ay hindi na nagtaka
Dahil ako'y pinaglaruan lang pala.

Ang damdamin mo'y biglang nanlamig
Para bang kapeng mainit
Sa umpisa lang matamis
Sa dulo'y biglang papait at lalamig.

Ika'y nanlamig
Pagibig mo'y nawalan ng init
Ako ngayon ay puno ng pait.

Bakit ka nanlamig?

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon