Tula para Sayo.

36 1 0
                                    

Hi mahal, kamusta na?
Sana okay ka, miss na kita.
Kamusta na yung pagmamahal na binuo kasama ka?
Kamusta na yung pagiibigang nahinto kasi may minahal kang iba.

Kamusta na kayo ng bagong mahal mo?
Sana sumaya ka dyan lalo.
Sana nabigay niya yung bagay na diko nabigay sayo.
Yung mga sana na yan. Sana matupad. Sana. Sana ako na lang siya.

Sana ako na lang ulit ang mahalin mo.
Sana ako na lang ulit yung nagpapasaya sayo.
Sana tayo na lang ulit. Kaso hindi pwede, kasi nandyan siya, siyang mahal mo.

Pilit kong lilimutin ang nakaraan natin.
Kahit imposible pipilitin ko pa rin.
Kasi dyan ako magaling, ipilit ang hindi na pwede.

Huli na ang lahat.
Huli na ng minahal mo ako.
Huli na rin ng malaman kong may pumalit na sakin sa puso mo.
Huli na.
Huli na at wala ng pagasa.

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon