Dapat bang Sumuko na? (Advice)

37 2 0
                                    

San ka ba susuko?
Sa pagasa na magiging kayo pa?
Sa pagmamahal mo sa kanya?
O sa pagiging tanga

Kung yan ang mga susukuan mo, Oo dapat sumuko kana. Sumuko ka na kasi wala ng posibilidad na maging kayo pa. Sumuko ka na sa pagmamahal mo sa kanya kasi may mahal na siyang iba. Sumuko kana sa pagiging tanga dahil ikaw lang din ang kawawa.

Sumuko kana sa mga bagay na nakakasakit sayo, pero wag kang susuko sa mga bagay na nakapagpapasaya sayo. Pero pano pag siya din ang dahilan ng kasiyahan mo?

Sige, pinapasaya ka niya. Pero diba siya din ang dahilan ng mga sakit na iyong nadarama? Ok sige pinapangiti ka niya. Pero diba siya din ang nagbibigay ng pait sa puso mong umaasa?

Pag hindi mo na kaya, suko na. Hindi naman ibig sabihin ng pagsuko ay pagiging mahina. Sadyang napagod ka lang talaga sa pagiging malakas at nararamdaman mong ang sakit sakit na. Ang sakit nang magpanggap na malakas ka. Ang sakit nang magkunwaring ok ka pa.
Kaya sumuko kana, kasi nakakasawa na.

Wag kang sumuko pag kaya mo pa. Pero kung kaya mo pa pero nasasaktan kana, sumuko kana at huwag mo nang hintaying mapagod ka at masanay ka. Kasi iba yung 'Kinakaya ang lahat ng sakit' sa 'nasanay na sa lahat ng sakit'.

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon