HELLO, KAMUSTA

34 2 0
                                    

Hello, Kamusta
Unang tanong ko sayo ng una kitang makita
Tila ikaw ay balisa, hindi ko alam ang dahilan
Pero gagawa ako ng paraan para ikaw ay mapasaya.

Hello, Kamusta
Tanong sayo ng pangalawang beses kitang makita
Hindi ka naman balisa pero, malungkot ang iyong mga mata
Gagawin ko pa rin ang lahat ng makakaya mabigyan ka lang ng masayang alaala.

Hello, Kamusta
Ito pa rin ang sinabi ko nung pangatlong beses kitang makita
Hindi kana balisa, masaya na ang iyong mga mata
Tila ba gumana ang aking mga ginawa, at ako ay natutuwa.

Hello, Kamusta
Pangapat na beses ko ng itinanong sayo ng muli kitang makita
Nakakatuwa kasi punong puno na ng saya ang iyong mukha
Mukhang masaya kana nga, kahit hindi sakin
basta masaya ka.

Hello, Kamusta
Huling beses na itinananong ko sayo
Bago ka mawala sa bisig ko
Bago ka umakyat sa tunay na tahanan mo

Hello, Kamusta
Sana okay kana
Wala ng lungkot ang iyong mga mata
Wala ka nang pait na nadarama
Dahil masaya kana sa piling ni Ama.

Hello, Kamusta....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon